Hailey POV
"Malapit na tayo!" masayang saad ni tita.
"Panglimang beses mo na yang sinabi ma." may inis na sabi ni Ridge.
Sa totoo lang kanina pa nga sinasabi ni tita na malapit na kami pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin kami sa aming dapat puntahan. Mababakas mo talaga sa kanyang mukha na masayang;masaya si tita.
"Totoo na talaga ito. Malapit na talaga tayo promise!" Itinaas niya pa ang kanyang kanang kamay na parang namamanata.
Paunti ng paunti ang bahay na aming nakikita at napapalitan ito ng ilang puno't sakahan. Sabi kasi ni tita ay pupuntahan namin ang isa sa kanilang bahay sa Baguio. Ang mga kasambahay ang siyang pansamantalang tumitira at nangangalaga nito. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang isang kulay asul na malaking bahay. May maliit na hardin sa kanang bahagi. Dalawang palapag ang bahay na iyon at may malaking terrace sa itaas.
Nag-unat muna ako ng aking mga kamay na minsan tumatama sa mukha nila Rhett at Ridge. "P-pasensya na."
Umiling silang dalawa at lumabas na ng van. Ito lang yata ang nakita kong van na parehong may pinto sa magkabilang bahagi. "Halika na Hailey!" ani papa habang may hawak-hawak na ilang shopping bags.
"Susunod na po!" Lumabas na ako ng van at patakbong sumunod kila papa. Napakunot ako ng noo ng makitang nagtitinginan sila Ridge at Rhett sa gilid habang naghihilaan ng shopping bags.
"Ako na ang magdadala niyan kuya." giit ni Ridge.
"No need ako na ang magdadala." walang emosyong tugon ni Rhett.
"Pati ba naman pagbitbit ng shopping bags ni Hailey kukuhain mo na rin? Wait bakit nga ba tayo nag-aaway sa shopping bags? Fvck this is crazy!"
Tama ba ang narinig ko? Pinag-aagawan nila kun sino ang magbibitbit ng shopping bags na pinamili ko? Pumunta ako sa kanilang gitna atsaka kinuha ang shopping bags.
"Ako na lang ang magbibitbit okay?" ani ko. Bago naglakad papasok ng bahay ay muli na naman silang nagtinginan at sabay na nagsalpak ng earphone sa kanilang tainga.
Pinauna nila akong maglakad kaya hindi ko makita kong nag-aaway na naman sila. Pinagbuksan kami ng isa, dalawa, sampung kasambahay. Ganun na ba kabigat ang pinto kaya kailangan talagang sampu ang magbukas?
"Welcome Mr. and Mrs. Calloway as well as your sons, Mr. Rhett and Mr. Ridge Calloway." Napanguso si tita sa babaeng bumati sa kanila.
"Greet them also," Gamit ang hintuturo ay itinuro kaming dalawa ni papa ni tita. "They are Mr. Vernice and her daughter Ms. Hailey Vernice." saad ni tita.
"Welcome Mr. Vernice as well as your daughter Ms. Hailey Vernice." pagpapatuloy nung babaeng bumati kila tita kanina.
Nang makaisang hakbang pa lang kami papasok ay luminya ang sandamakmak na kasambahay at sabay-sabay silang yumuko. Teka parang napanuod ko na ang ganitong eksena sa mga korean drama. Akala ko ay sa Kdrama ko lang makikita ang ganitong senaryo yun pala ay mararanasan ko din.
Sa wakas ay natunton na namin ang sala. Sala na kasing laki ng bahay nila tita doon sa tinitirhan namin. May malaking kulay ginto na ilaw sa kisame na may mangilan-ngilang kandila na nakaibabaw sa bawat gilid. Halos lahat ng nakikita ko ay kulay ginto. Mapa-kurtina, upuan, lamesa, sahig, pader at kung anu-ano pa ay kulay ginto. Isang malakas na palakpak ang ginawa ni tita at wala pang limang segundo ay nakalinyang nagsidatingan ang mga kasambahay sa kanyang harapan.
"Pakidala ang aming mga bagahe sa sari-sarili naming kwarto. Iyong malaking kulay puting pinto ay kay Hailey. Samantalang ang malaking kulay dilaw na pinto ang kay Mr. Vernice." Muling pumalakpak si tita at gaya nga ng sinabi niya ay kinuha nila ang mga dala. Dahil sa ang dami nila ay may ilang walang bitbit pero sumunod pa rin sila sa kanilang mga kasama.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...