Kabanata 23

401 29 23
                                    

Hailey POV

"Would you like to share a tent with me?"

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. "Ha?" ani ko pero tumawa lang siya ng mahina. Magtatanong pa ako ng bigla niya akong hinila patayo. Magkaharap na kami ngayon at yun ang pinangangambahan ko sa lahat. Bakit kasi ang gwapo ng lalaking ito?

"I'll take that as a yes." nakangising saad niya.

Muli na naman niya akong hinila. Teka umuo ba ako? Kailan?

Hay, shege ne nge.

Pinagmasdan ko ang aming kamay na magkadikit ngayon. Masaya ako na nangyayari ang mga ganitong pangyayari. Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Rhett pero isa lang ang alam ko ngayon. Mahal na mahal ko siya at walang sinuman ang makakapagbago nun.

"Nandito na tayo." aniya. Binuksan niya ang yung zipper nung tent para makapasok kami sa loob. Malaki ang tent ni Rhett kaya kakasya ang limang tao sa loob. Bigla ko tuloy naalala sila Keisha at Jenna, nakatulog ba sila sa maliit na tent na yun?

May dalawang unan ang nakalapag sa sahig na para bang dalawang tao talaga ang nagmamay-ari ng tent. "Sinong kapartner mo dito?" tanong ko habang isinasara ang zipper ng tent.

"Ikaw." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Paanong ako ang kapartner niya eh magkaiba kami ng sekyson? Posible ba na napasama ang pangalan ko sa listahan nila dahil bigla akong tumalino? Kailan ba ako tumalino...

Maingat akong humiga at nag-iwan ng kaunting pagitan sa aming dalawa. Alam ko namang hindi niya ako kayang galawin pero wala akong tiwala sa sarili ko. Hay. Hinayaan ko ang aking mata na pumikit kasabay ng malamig na klima na.

Isang malakas na tunog ang nagpagising sa akin. Halos mapatalon ako ng makitang nasa loob ako ng isang tent, saka ko lang napagtanto na magkatabi nga pala kami ni Rhett matulog kagabi. Wala na si Rhett sa tabi ko kaya dali-dali akong lumabas ng tent at nagtakip ng mukha. May ilang mga Class A ang nasa labas. Yung iba ay kagigising lang pero karamihan ay basa ang mga buhok na halatang kakaligo. Patakbo akong pumunta sa tent nila Keisha na gising na rin pala.

"Bes! Saan ka galing? Akala ko ba ay sa labas ka natulog tapos nung paggising namin ay wala ka naman sa labas." ani Keisha habang nagkakalkal sa bag niya. Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin na sa tent ako ni Rhett natulog dahil baka biglang sumigaw ang isang ito at masabihan pa ako ng mga Class A na assumera.

"A-ano maaga kasi akong nagising tapos naglibot-libot lang ako para makapagpahangin." Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at bigla siyang tumango.

"Oh siya sige kumuha ka na ng damit mo at maligo na dahil trenta minutos lang ay magsisimula na ang panibagong aktibidad." aniya. Natawa ako sa pagsasalita niya na masyadong pormal.

Kumuha ako ng damit at sumunod kanila Keisha at Jenna. Matapos ay pumunta kami sa malaking hapag-kainan na puro pagkain at inumin ang nakapatong. Inilabas ko na rin ang aking ilang baong tsitsirya para sa paglalakbay namin mamaya.

"Huwag kayong lalayo sa inyong mga kasama. Medyo mahaba ang gagawin nating paglalakbay para makapunta sa Secret Garden ng gubat na ito." Mahabang litanya nung lalaking na nagpalaro sa amin kahapon.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon