Hailey POV
"May maganda akong balita sa inyo," Nakangiting panimula ni Prof. Ong. Napabuga ako ng hangin, sana nga maganda.
"Nagkaroon kami ng pulong kanina at napagdesisyunan ng Class A at Class B adviser's na magkakaroon tayo ng camping sa loob ng tatalong araw." Dugtong ni Prof na naging dahilan ng aming paghiyaw.
"Salamat naman at meron tayong camping at tatlong araw sa Pampanga. Iba kasi kapag fresh na hangin ang maaamoy mo kaysa sa hangin dito na polluted." Mahinang saad ni Keisha at nagliligpit na ng gamit.
Parang nawala lahat ng pagod namin dahil sa binalita ni Prof. Ong. Salamat at naisipan din ng mga diviser ng Class A at Class B na magkaroon ng camping. Ibig-sabihin lamang nito ay nasa isang lugar na lang kami ni Rhett. Habang iniisip ko ang pangyayaring iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti.
"Bukas na bukas na ang camping kaya maaga ang uwian ngayon. 5 am sharp bukas sa gymnasium. Aalis ang mga bus ng 5:30 kaya sorry na lang sa mga late," ani Prof habang nag-aayos ng kanyang gamit. Excited na rin siguro si Prof sa camping bukas.
"Ah!" Napatingin kami sa gawi ni Prof na mabilis na nagkakalkal sa bag niya. Parang may naalala siya at kinukuha iyon sa loob ng bag. Inilabas niya ang papel na parang test paper kaya may ilang napaawang ang bibig at napasalampak ang ulo sa mesa.
Ikinatawa ito ni Prof. "Ayaw na ayaw niyo talagang mag test hahaha. Huwag kayong mag-alala hindi ito test paper. Nakasulat sa papel na ito ang mga gamit na kailangan niyong dalhin para bukas." Inilapag niya ang papel sa first row na ipinasa naman hanggang likod. Tiningnan ko ang maliit na papel na hawak ko.
Mga kagamitan na kakailanganin sa camping:
1. Tent
2. Foods (much better kung ready to eat na tulad ng canned goods. Sagot na ng bawat adviser ang kanin.)
3. Clothes (Damit na karespe-respeto. No to strapless or tube. Tshirt or blouse is much better than those given clothes. Jacket are needed. No to skirts and heels. Rubbershoes or flat shoes are highly recommended.)
4. Water (important)
5. Medicines (Para lang sa may karamdaman. Hindi para sa puso huwag ng humugot utang na loob.)
6. Flashlight na de-battery (Important)
7. No gadgets are allowed (walang wifi o kuryente sa gubat at wala ring signal.)
8. Bring yourself (important)
By: Hudson Linux Ong
(Adviser of Class F)Kagaya ng sabi ni Prof. Ong ay maaga nga kaming pinauwi para makapag-impake at makabili ng kakailanganin. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at agad na umakyat na sa kwarto. Hindi ko nakasabay kumain si Rhett dahil sa kwarto raw siya kumain kanina. Si Ridge ang aking nakasabay na walang imik habang kumakain. Siguro wala siya sa mood ngayon.
Alas-kwatro ay gising na ako at agad na ibinaba ang aking bag na may lamang kakailanganin para sa camping. Si Jenna na raw kasi ang magdadala ng tent dahil tutulungan naman daw siya ng kanyang ama na dalhin iyon sa school.
"Ingat kayo doon ah." Ani ni tita sa aming dalawa ni Rhett.
Inilagay ni Rhett ang ilang bakal sa likod ng kotse kasama ang malaking tela na siguro'y tent. Isang kulay itim na tshirt, itim na ripped jeans na sinamahan pa ng itim na sumbrero ang kanyang suot ngayon. Ano bang meron sa kulay na itim? Si Ridge din kasi ay puro kulay itim na damit ang sinusuot.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...