Kabanata 25

378 25 10
                                    

Hailey POV

Malamig na naman ang klima dahil Ber-Months na naman. Unang buwan nito na Setyembre. Pagpasok mo pa lang sa loob ng campus ay may ilan ng mga banderitas. Magkakaroon na naman kasi ng program na tungkol sa mga club.

"Anime Club is now hiring for illustrators and animators!"

"Korean Club is now hiring for kpoppers and kdrama addict!"

Ilan lang yan sa mga sigaw ng ilang estudyante na sinasalubong ang bawat pumapasok na estudyante. Napapatakbo pa nga ang ilan dahil talagang pinipilit sila na sumali sa club na iyon. Paramihan kasi ng marerecruit na miyembro sa unang araw ng program at ngayon ang araw na iyon.

Mabilis na pinagkaguluhan si Rhett ng makapasok kami. Hinihila siya ng iba at ang iba'y pinipilit siyang magpirma ng authograph. Pinagdikit ko ang aking kamay na parang nananalangin at napangiti.

"Miss?" Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may tumapik sa akin. Isang babaeng may mahabang buhok na hanggang bewang na nakalugay at may maputlang mukha.

"S-sadako!" tili ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko.

"Pasensya na ah nagulat lang talaga ako hehe. Hindi ko sinasadya na tawagin ka ng ganun." paumanhin ko.

Napalunok ako ng ngumiti siya. "Okay lang tama naman ang sinabi mo kasi yun talaga ang pangalan ko." aniya. Kung hindi lang ito tao baka kanina pa ako nahimatay.

"Ako si Sada Koh," nakangiti niyang saad. "Gusto mo bang sumali sa Sada Koh Club? Kung sakaling papayag ka reregaluhan kita ng iba't-ibang klase ng kutsilyo. Gusto mo makita mayroon akong dala dito..."

Habang kinakalikot niya ang kanyang bag ay napatakbo na ako paalis. Akala ko ba Setyembre pa lang eh bakit nandito na si sadako diba sa Nobyembre pa dapat siya lumabas? Waah! Nakakapangilabot.

Saglit akong napatingin sa aking likod at tiningnan ang pwesto nung sadako. May kinakausap na naman itong isang babae na napatakbo din katulad ko. Isang matigas na bagay ang aking nabangga na nagpatumba sa akin.

"Dummy." aniya. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay kaya agad kong iniabot. Nang makatayo na ako ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Rhett anong club ang sinalihan mo?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.

"Alamin mo." aniya at ngumisi sa akin.

Nagsuot ako ng cap at balabal para walang makakilala sa akin. Uwian na pero dahil sa nagkaroon na ng club programs ay marami pa akong nakikita na estudyante. Napatalon ako ng makita ko na si Rhett na tinatahak ang isang pasilyo.

Ilang tapilok ang aking nagawa at tili pero mabuti na lamang ay hindi niya iyon napansin. Lumiko siya pakaliwa kaya mabilis ko itong sinundan. Napasandal ako sa pader habang pinagmamasdan siyang pumasok sa isang silid. Aha!

Hindi na ako nag-atubili pang mag-isip at agad akong pumasok sa silid na iyon. "Magandang hapon po gusto ko pong sumali sa club na ito!"

"Sabi ko na nga ba at sasali ka sa club ko. Welcome sa Sada Koh Club." malumanay na sabi nung babae. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at wala akong nakita kahit isang Rhett.

Mabilis akong lumabas ng pintuan at agad na nakita si Rhett na naglalakad sa pasilyo. Paniguradong ginamit niya ang isang pinto na nakita ko sa Sada Koh Club. Patuloy ko siyang sinundan at ng makita ko na naman siyang pumasok sa isang silid ay agad akong pumasok doon. Sa pagkakataong ito alam kong hindi na ito lokohan.

"Magandang hapon po gusto ko pong sumali!" ani ko at napangiti ng nakitang nasa loob na nga si Rhett.

"Malugod ka naming tinatanggap sa aming club." tugon ng isang lalaki. Medyo may katandaan na siya kaya paniguradong ito ang mismong leader.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon