Hailey POV
"In solving this equation, first we need to find what is the value of x and..."
Masaya akong nakikinig sa leksyon namin ngayon. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung mga nangyari kanina. First time kong makasabay siya sa pagpasok.
Mabuti na lamang at walang tao sa parking area. Nasabi ko na rin sa kanya ang aking plano pero mukhang hindi niya iyon nagustuhan. Pero walang makakapigil sa akin. Gagawin ko pa rin ang plano kong 'Oplan Tokhang.'
"Uy okay ka lang? Para kang kinukuryente diyan sa upuan mo." pabulong na sabi sa akin ni Keisha.
"H-ha?" masyado na ba akong kinikilig? Sa tingin ko hindi naman.
"Prof excuse lang po! Naiihi raw po si Hailey. Kinakabahan na po ako kasi baka mapunta na naman siya sa clinic ng wala sa oras." nagtawanan tuloy ang mga kaklase ko. Ano bang pinagsasabi ni Keisha. Nahihibang na ba siya?
"Keisha nagkakamali ka-" iniharap niya sa akin ang kanyang kamay na para bang yun na lang daw ang kausapin ko. "Sige na Miss. Vernice mag cr ka muna."
Nagpipigil naman ng tawa si Jenna. "S-sige po." nahihiya akong tumayo at pumunta sa pintuan.
Nakakaasar talaga itong si Keisha. Bago ako tuluyang makalabas ay tiningnan kong muli si Keisha. Kinunotan niya lang ako ng noo. Hindi niya siguro alam na hindi naman talaga ako naiihi kundi kinikilig lang. Hay.
Saan naman kaya ako pupunta? Ayoko naman sa cr dahil hindi naman ako naiihi. Bumaba na lang ako ng hagdan at naisipan siyang puntahan. Syempre sino pa ba?
Tahimik lang ang buong ground floor na ultimo hangin lang ang iyong maririnig. Ibang-iba sa hallway na papunta sa silid ng Class F.
Ang buong ground floor ay para lamang sa Class A. Malaki ang kanilang silid at may aircon pa. Tinted ang kanilang dingding na salamin. Ganoon din ang kanilang pintuan. Paano ko kaya siya makikita kung sariling repleksyon ko lang ang nakikita ko sa salamin?
Dinikit ko ang aking mukha sa salamin para makita ang mga tao sa loob. Medyo nakikita ko ang iba na nakatingin sa akin at ang ilan naman- Teka! Nakatingin sa akin?! Omo! Nakakahiya!
Bumukas ang pintuan sa gilid kaya naramdaman ko ang lumabas na hangin ng aircon. Ang lamig. Maghapon silang naka-aircon kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang puputi nila.
"Miss may kailangan ka bang ipatawag sa klase ko?" isang matandang babae ang lumabas mula rito.
Balak ko na sanang sabihin kung sino ang aking hinahanap pero naalala ko ang mga pangyayari na nagalit sa akin si Rhett. Paniguradong kapag sinabi ko na si Rhett ang hinahanap ko ay magkakaroon ng isyu. Ayaw ko siyang mahirapan.
"Ah w-wala po. Akala ko po kasi cr ito. Hehe." pagpapalusot ko.
Tiningnan niya lang ako at pumasok na sa loob. Mabuti na lamang at hindi ako pinagalitan nung teacher. Napahinga ako ng malalim. Bago ako umalis ay tiningnan ko muna ulit ang salamin.
Nakabalik ako ng silid ng matiwasay. Wala namang nangyaring masama sa akin maliban lang sa nakita ako ng mga Class na nakadikit ang mukha sa salamin na dingding ng silid nila. Okay na yun. Mabuti nga't isa lang.
"Ano nailabas mo na ba ang lahat ng hinanakit mo sa buhay?" bungad sa akin ni Keisha habang nagliligpit ng gamit.
"Ano namang ilalabas niyan? Eh hindi naman talaga yan naiihi or natatae eh! Hays!" ani Jenna at naglakad palabas ng silid "Bilisan niyo baka maubusan tayo ng pagkain." dugtong niya.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Fiksi Remaja[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...