Kabanata 10

345 28 10
                                    

Hailey POV

Nakahanda na ang lahat ng aking gamit para sa lipatan na mangyayari bukas. Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ba akong masaya dahil ang matagal ko ng minamahal ay makakasama ko na rin sa iisang bubong? O dapat akong malungkot dahil tuluyan ko na siyang hindi na makakalimutan?

Bagsak akong naglalakad papasok ng classroom. Hindi ko na alintana ang ingay at ang mga nangyayari sa paligid. "Bes!" hiyaw ni Keisha sa tainga ko.

Napatalon tuloy ako sa kinauupuan ko. "B-bakit?" tanong ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Kanina pa kaya kita tinatanong kung anong araw tayo pwedeng gumala. Tss." ani niya at tiningnan ako ng masama.

Eh kasi naman mamaya na kami lilipat ni papa at hanggang ngayon kinakabahan parin ako. Ano kayang magiging reaksyon ni Rhett kapag nalaman niyang titira na ako sa bahay nila? Magiging masaya kaya siya? Malamang hindi. Nginitian ko lang si Keisha. "Siguro sa darating na sabado."

"Sure na yan ah. Uy Jenna sa sabado raw ah wag talkshit." kinalabit niya pa si Jenna na abalang ngumunguya ng bubble gum. "Ge." aniya.

Nagsimula na ang klase at mas naging abala ang lahat dahil sa darating na midterm exam. Malapit na pala pero hindi pa rin ako nakakapagreview.

"Bye ingat kayo!" paalam ko habang nakatayo sa hagdan ng bus. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila na lilipat na kami ng bahay. Sa bahay pa ng mga Calloway.

"Hailey!" nakaupo na ako sa tabi ng bintana ng may tumawag sa akin. Agad ko itong tiningnan at natuwa ako sa nakita. "Uy Nixon."

Umupo siya tabi ko. Hinihingal pa siya at may kunting pawis sa kanyang noo. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang kanyang noo. Pansin kong natigilan siya. "Ngayon na lang kita nakausap ah." ani ko.

Bahagya niyang hinawakan ang kanyang ulo at ngumiti. "Nahihiya na kasi akong lumapit sa iyo eh." yumuko siya at bahagyang nahihiya."Bakit ka naman nahihiya? Magkaibigan tayo kaya huwag kang mahihiya sa akin. Bestfriend kaya kita."

Nginitian niya ako pero alam kong may kakaiba sa ngiti na iyon. "Sa totoo lang nakita ko kasi kayo nila Rhett at Ridge nung birthday ko. Doon ko na lang nalaman na matagal mo na palang silang kilala." seryosong niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.

"Ah ganun ba hehe. P-pasensya na hindi ko nasabi sa iyo." nahihiya kong sabi. Gusto kong sabihin na nagulat rin ako ng malaman ko na ang kaibigan niya pala ay ang magkapatid pa na Calloway.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano at napapansin kong masaya siya. Masaya rin ako na nakausap ko na siya ngayon. Ilang araw rin kaming may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. "Malapit na pala akong bumaba. Kita na lang tayo bukas Nixon."

Tumayo na ako at agad na bumaba. Pagkababa ay agad kong hinanap si Nixon. Nang makita ko siya ay agad ko siyang kinawayan. "Bye!" malakas kong sabi. Kumaway lang siya sa akin bilang ganti.

Nasa tapat ako ng bahay at abala si papa na ilagay ang aming gamit sa sasakyan. Kumalabog na naman ang puso ko. "Papa ibaba ko na rin po yung gamit ko." ani ko at agad na umakyat papunta sa kwarto.

Inilabas ko na ang dalawang maleta ko sa pintuan. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto ko. Ilang taon rin ang pinagsamahan namin ng kwarto ko. Buti pa kami may pinagsamahan. Hay.

Umupo lang ako saglit sa kama at agad ring bumaba habang hila-hila ang aking mga gamit. Tinulungan ako ni pala na dalhin ang iba kaya napabilis ang paglagay nito sa sasakyan. Sumakay na ako sa sasakyan at doon na lamang hinintay si papa.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon