Hailey POV
"Long time no see Hailey."
"I told you Hailey, good girls are meant to be on bad boys."
Mabilis ko silang niyakap pareho. Gumanti rin sila ng yakap na talagang kailangan na kailangan ko ngayon. Nasaktan ako at patuloy na masasaktan. Ganito naman talaga ang buhay, kahit na wala kang ginagawang masama darating talaga yun punto na lalagapak ka. Masakit. Napakasakit na paglagapak. Pero sa panahong iyon mo din malalaman kung sino ang taong totoo at handa kang damayan.
"Bes ah naku masasampal ko talaga yung Rhett na yun. Naku talaga! Nakakapunyeta siya! Qiqil niya si ako!"
Yung tatlong araw na family bonding sana namin kasama ang pamilyang Calloway ay mabilis na naglaho. Umuwi ako ng magang-maga ang mata nung araw na yun. Si Ridge at Nixon ang naghatid sa akin pauwi gamit an kotse ni Ridge. Alam na rin ni tita kung ano yung nangyari at talagang nagalit siya.
Si Rhett? Umuwi rin siya nung araw na yun. Nagbalik na siya sa dati. Dating Rhett na walang pakialam sa mundo. May kung anong pinag-usapan sila Rhett kasama ang kanyang magulang pero wala na akong pakialam duon.
Sa araw-araw na pagpasok ay hindi na kami magkasabay ni Rhett. Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat. Tapos na. Talo ako.
"Huy!" Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may yumugyog sa balikat ko.
"H-ha? May sinasabi ka ba?" Isang malakas na batok ang ipinukol sa akin ni Jenna. Takte ang sakit ah!
"Nakabuo na yata ako ng isang sanaysay tapos hindi ka pala nakikinig sa akin? Haynaku! Kung ako sayo magmomove-on na ako. Andaming lalaki diyan na mas better sa Rhett na yun." sermon ni Keisha.
Luminga-linga sa paligid si Keisha sa paligid na parang may hinahanap. Nasa classroom kami ngayon at sumakto pang may meeting si Prof. Ong kaya wala kaming ginagawa ngayon.
"Katulad ni Nixon. Alam mo bes kanina pa yan nakatingin sayo." ani Keisha atsaka ako kiniliti sa tagiliran. Kung dati mabilis akong makiliti ngayon ay hindi na.
Masakit pa din. Sobra.
"Baliw magkaibigan lang kami niyan." ani ko at saka nangalumbaba. Masaya na ako sa kung anong meron kami ni Nixon.
"Yan ang hirap sayo ang manhid mo. Sa sobrang manhid mo hindi mo alam na may nagmamahal na pala sayo. At dahil sa pagmamahal na yun, nasasaktan sila."
Tinignan ko ng may pagtataka si Keisha. Nakipagtitigan din siya at talagang ayaw niyan magpatalo. Ako na ang unang sumuko dahil baka mag-uwian na't lahat-lahat ay wala pa ring magpapatalo.
Sanay naman na ako. Sanay na sanay na.
"Balita ko si Cindy Poras ay lumipat na ng eskwelahan." ani Jenna.
Napangiti ako ng mapait. Parehas kaming hindi gusto ni Rhett. Umibig. Umasa. Nasaktan.
Lumipas ang mga oras at dumating na ang pinaka-ayokong mangyari. Ang uwian. Dati masaya ako tuwing uwian kasi makikita ko na ulit si Rhett. Ngayon makita ko lang siya ay napupunit na ang puso ko.
"Babye!" ani ko. Masaya silang kumaway sa akin bago maglakad sa ibang direksyon.
Dati halos hindi ako magkamayaw kakahintay ng pagtunog ng bell para lang makauwi ng maaga. Ngayon maisip ko lang na uwian na naman ay nasasaktan na ako.
Alam ko namang kapag nagmahal ka ay masasaktan ka talaga. Kaso ang daya lang kasi sa puntong ito ako lang ang nasasaktan. Patuloy na nasasaktan.
Pagkabukas ng pinto ay masaya akong sinalubong ni tita. Hindi ko alam kung bakit ko biglang niyakap sa tita. Kusang bumagsak ang luha ko at alam kong magdamag na naman akong iiyak ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...