Hailey POV
"Saranghae Hailey"
"Saranghae Hailey"
"Saranghae Hailey"
Omyghad!! Nagpagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa paulit-ulit na sinabi sa akin ni Rhett nung gabing iyon. Nung gabing iyon ibang Rhett ang nasilayan ko. Feeling ko nga ay isa lamang iyong panaginip pero totoo pala. Ang sarap pala sa pakiramdam na masabihan ka ng 'Mahal Kita'. Sana maulit ang pangyayaring yun.
Matapos ang eksenang iyon ay biglang dumating ang mga kaklase ni Rhett. Hindi ko alam kung kanina pa ba sila nandun. Tiningnan lang ako ni Rhett habang hila-hila siya ng mga kaklase niya. Sumunod ako sa kanila at pinagmasdan ang kanyang likuran. Gulong-gulo ang isip ko ng mga oras na yun. Masaya at nakakagulat na pakiramdam, yan ang nararamdaman ko. Sa sumunod na araw ay puro paglalakbay lang ang aming ginawa. Gustuhin ko mang puntahan at tanungin si Rhett kung totoo yung sinabi niya pero laging nakaaligid sa kanya ang mga kaklase niya.
Panibagong araw na naman para pumasok. Palukso akong lumapit sa hapag-kainan. Maingay na nag-uusap sila papa at tito. Paniguradong pinag-uusapan nila ang tungkol sa aming bahay at negosyo. Wala pa si Rhett sa kanyang upuan kaya hindi ko maiwasang malungkot.
"May kompetisyon siyang lalabanan sa Karliston Bonaviure University."
Muntik na akong mapatalon ng biglang magsalita si Ridge. Diretso ang kanyang mata sa harapan na para bang iniiwasan ang pagtingin sa akin. Napagtanto ko na ngayon ko na lang pala ulit siya nakausap. Nakakapanibago na makita siya ngayon dahil hindi naman niya ugaling sumabay sa amin sa pagkain tuwing umaga. Bigla akong natigilan ng tumingin siya ng diretso sa aking gawi habang umiinom.
"Goodmorning." aniya.
Ngumiti ako bumati rin, "Magandang umaga rin hehe." Tumango siya at agad na tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umakyat na siya ng hagdanan. Ayaw ko mang mag-isip ng hindi maganda pero mag-iisip na rin ako. Pakiramdam ko kasi ay may mali. May mali sa pakikitungo sa akin ni Ridge.
"Hailey bakit hindi ka pa kumakain? Baka malate ka niyan." ani ni papa. Muntik ko ng makalimutan na may pasok nga pala ako. Ngumiti ako ng pilit atsaka kumain.
Nakangiti akong pinagmamasdan ang bawat tao na aking nakakasalubong. Ang iba ay nagtataka at natatakot dahil sa aking ngiti pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Masaya ako ngayon dahil sa isang bagay na pinanghahawakan ko. Kahit biglaan, kahit nakakapagtaka. Mahal ako ni Rhett, yun ang mahalaga.
"Hailey oo na lang ni Rhett ang kulang hihihi." bulong ko. Itinaas ko ang aking kamao at ngumiti ng pagkalaki-laki. Whoo! Fighting Hailey!
"Bes!!" Lumingon ako para tingnan kung sino yung sumigaw. Patakbong lumapit sa akin sila Keisha at Jenna. Hinawakan nila ang kanilang tuhog at hinahabol ang kanilang paghinga. Nang okay na sila ay hinarap nila ako ng may masayang mukha.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...