Hailey POV
"Magkapatid kayo?! Kuya mo si Rhett Calloway?!" sigaw ko at agad na tinakpan ang aking bibig dahil sa sobrang pagkagulat.
"Isn't it obvious? Meron bang pag tinawag na kuya ay ate niya ito? Idiot." Napayuko na lang ako sa hiya sa sinabi nung kapatid ni Rhett. Tama nga naman siya.
"Kuya nahanap ko na si Nazen. It turns out na may kumuha pala sa kanya kaya hindi natin siya mahanap-hanap and the one who stole Nazen is the girl in front of us." Napaangat ako ng ulo. Nakatingin siya sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
Tiningnan ko si Rhett na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanyang kapatid pero agad rin itong pumasok ng bahay. Umigting naman ang panga nung kapatid niya.
"Dummy." ani ng kapatid ni Rhett saka pumasok.
Teka anong sinabi niya. Dami? Damit? Gummy? Kung ano man ang salitang iyon kailangan kong malaman ang ibig-sabihin nun dahil yun din yung sinabi sakin ni Rhett habang nakatingin siya sa mga nakahandusay na lalaki.
Napaupo na lang ako sa pagod. Ang tanging gusto ko lang naman ay makauwi pero bakit ako napunta sa lugar na ito, sa bahay ni Rhett. Kung tutuusin parang ang daming nangyari ngayong araw na ito. At masasabi kong isa na ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko.
Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan. Makakauwi pa ba ako? Makakain pa ba ako? Makikita ko pa ba si papa? Hay nakakainis naman! Kung sana ay hindi ako nakatulog sa bus ay nakauwi ako sa bahay at nakakain ngayon ng masasarap ng pagkain.
"Mama, tingnan mo po ang anak mo. Nakaupo lang sa labas ng isang bahay. Nagugutom, napapagod, nawawalan ng pag-asa at malapit ng mawalan ng bait. Mama sana merong isang mabuting mamamayan ng ating bansa ang tumulong sa akin para makauwi ng bahay. Kahit ano, kahit sino. Basta makauwi lang."
"Tapos ka na bang magdrama dyan?" Napatayo ako bigla sa narinig.
"Mama, omg! Maraming salamat po pero parang ang bilis naman po yata ng pagdating ng taong tutulong sa akin, pero salamat po!" Nakapikit ako at nakangiti ng malaki. Pagkatapos kong magpasalamat ay nakita ko si Rhett na nakasandal sa mismong gate. Nakatingin sa akin. Teka si Rhett ang taong tutulong sa akin? Maraming salamat po talaga! Hehe.
"Pasok ka muna."
Namula ako sa pagtitig niya sa akin kanina pero mas lalo akong namula nung papasukin na niya ako sa bahay niya. Agad akong sumunod sa kanya. Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay literal na napanganga ako. Tunay nga talagang ang ganda ng bahay ni Rhett. Umupo ako sa isang malambot na sofa at nilapag ang bag ko sa aking mga binti. Pinagmasdan ko ulit ang buong sala nila.
"Here." Inilapag niya ang telepono sa maliit na lamesa na nasa harap ko.
"Ah okay, hehe."
Teka ano nga ulit ang number nun? Hmm. Ah yun! Naalala ko na. Pero parang sobrang gabi naman na yata pero sige na nga tatawagan ko na lang.
"Good evening! Hello, this is Janine from Jollibee delivery what are your orders mam/sir?" sabi ng babae sa kabilang linya. Sigurado ba talagang magpapadeliver siya ngayon eh gabing-gabi na.
"Ah wait lang ah. Rhett! Anong order mo?!" napatigil siya sa pagakyat ng hagdanan.
"What?!" Ay bingi. Pero okay lang, crush ko pa rin siya.
"Ang sabi ko po, kung anong order mo sa jollibee." Baka maasar na si ate sa akin dahil sa sobrang bagal kong ibigay ang order.
"Anong pinagsasabi mo? Anong order? Teka nga sino bang tinawagan mo?" mukhang galit siya. May problema ba sa ginawa ko?
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...