Hailey POV
Agad kong hinila si Ridge pagkakuha ko ng susi. Alam niyo okay lang naman sa akin na magkasama kami sa iisang kwarto basta't may free buffet! Pagkain is life kaya.
"Anyare sayo? Parang namumutla ka diyan?" kanina pa yan ganyan. Ano na naman bang problema ng lalaking ito?
"I-i think d-dapat tayong maghiwalay ng kwarto. May pera naman ako d-dito." utal niyang saad.
"Huwag na atsaka kapag magkahiwalay tayo ng kwarto wala tayong free buffet. Kaya easy ka lang dyan akong bahala sayo."
Umiwas lang siya ng tingin kaya binuksan ko na ang pintuan. Isang malaking kama at puro petals pa. Ang ganda at ang bango rin ng paligid. Natigil lang ako sa pagtingin ng paligid dahil sa katabi kong bulong nang bulong sa tabi ko. Nagriritwal yata.
"Woah may damit rin pala na libre dito." kinuha ko ang damit na nasa ibabaw ng kama. Kulay pula ito at may nakasulat na nampyeon at anae. Anong ibig sabihin ng mga yun?
"Ridge galaw galaw naman baka maistroke ka dyan bahala ka." andun pa rin kasi I siya kinatatayuan niya. Nasa tapat lang siya ng pintuan at hindi mapakali. "Nga pala anong meaning ng nampyeon at anae?"
Saglit siyang napatingin sa akin. "Nampyeon ang tawag sa husband at anae naman sa wife. Korean word ang mga yan." aniya ng hindi tumitingin sa akin.
Wow yun pala yung meaning pero bakit nasa kwarto namin ito? Hindi naman kami mag-asawa ni Ridge. Mukhang nagkamali yata ang naglagay nito. Dibale na ito na lang ang susuotin namin dahil basang-basa kami sa ulan kanina.
"Sa tingin ko ito na lang ang gamitin natin." binigay ko sa kanya ang may nampyeon na nakasulat samantalang sa akin naman ang anae. Ang cute lang!
"Ako na lang muna magpapalit." aniya at pumunta na agad ng cr. Saktong may kumatok ng pinto kaya pinagbuksan ko ito. "Ito na po yung free buffet Mam. Enjoy your night."
Halos kuminang ang mga mata ko sa nakita. Kahit hindi ko alam ang mga pangalan ng nasa harap ko ay paniguradong masarap ito. "Ah sge po thank you."
Halos maglaway ako sa mga pagkaing nasa harapan ko ngayon. Gusto ko ng kumain pero ang tagal namang lumabas ni Ridge sa cr. Natulog na yata ang mokong na yun. "Ridge okay ka lang ba dyan?"
"W-wait lang." mabuti na lamang ay sumagot siya bago ko tuluyang pasukin ang cr. Umupo ako sa gilid ng kama at hinintay siyang lumabas ng cr. Awa ng Diyos lumabas na siya.
"Akala ko balak munang matulog sa cr eh." pagbibiro ko at pumasok na ng cr.
Paglabas ko ng cr sakto namang nilalantakan na ni Ridge yung pagkain. Hindi man lang nagsasabi ang mokong! "Walang pag-aya andaya."
"Pasensya na sadyang nagutom lang talaga ako. Here kuha ka na lang din." aniya. Tumabi ako sa kanya at kumuha na rin ng pagkain ko. Ano kayang pangalan ng mga pagkain na ito? Ngayon ko lang kasi ito nakita.
"Chicken parmigiana, sao biscuit, hamburger and beetroot, meat pies and fairy bread. Austrialian food ang mga yan." hindi pa ako nagtatanong ay sinagot na niya agad ang katanungan sa isip ko. Iba talaga pag matalino.
"Masaya bang maging matalino?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin. "Slight pero mahirap." kinunotan ko siya ng noo. Paano naging mahirap ang matalino? Maganda nga yun diba kasi alam mo na ang lahat at hindi muna kailangan pang maghirap.
Nanahimik na lang ako at hindi na nagtanong pa. Baka mamaya kakadaldal ko ay ubusan na ako ng pagkain ni Ridge. Matapos kaming kumain ay iginilid na namin ang lamesa na pinaglalagyan ng pagkain. Alas-kwatro pa lang ng hapon at wala na akong maisip na gawin. Hay.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...