Hailey POV
"Ilang beses ko bang uulitin sa iyo na kahit kailan, kahit anong gawin mo ay hindi kita magugustuhan."
Para akong sinaksak ng patalim sa aking dibdib dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko naman hiniling o sinabi sa kanya na mahalin niya ako agad diba? Masama bang ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko sa kanya?
Hinayaan ko na lang na mapagod ang aking mga mata sa pagluha nito. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng pagkatok sa pintuan. Sino naman kaya ang kumakatok na iyon ng ganito kagabi?
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tumayo para buksan ang pinto. Nagulat ako ng makita ko si Ridge. "Are you okay?" tanong niya.
"H-Ha? Ah oo, okay lang ako." pinagmasdan niya lang mukha ko. "May problema ba sa mukha ko?" kanina niya pa kasi ako tinitingnan.
"Bakit kasi siya pa?" napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Ha?"
"Ah w-wala. Ang sabi ko masyadong maingay yung pag-iyak mo hindi ako makatulog. Sige bye."
Dali-dali agad siyang pumasok ng kwarto niya. Anong nangyari sa kanya? Napakamot na lang ako sa ulo atsaka itinuloy ang pagdadrama ko. Huhuhu.
"Huwaaaah!! Bakiiiit? Bakit ganitoooo?!! Mamaa!" madamdaming sigaw ko.
Ibinuhos ko na ang lahat ng aking natitira pang enerhiya para magdrama ngayon. Ngayon ko lang ito ginawa pero ang gaan pala sa pakiramdam. Gagawin ko ulit ito sa susunod kapag nabasted na naman ako ni Rhett. Napag-isipan ko na talaga ito. Hindi ako susuko kay Rhett.
"Hindi ako susuko sa iyooo!!! Mahuhulog ka rin sa akin!! Woooh!!" tumalon-talon pa ako sa kama at sumasayaw.
Tumigil na ako ng makaramdam ng pagod. Daig ko pa yata ang nag-excercise. Kinuha ko agad ang cellphone ko at agad na nagselfie. Pinost ko ito sa facebook na may caption na 'Nagmahal, nabasted, nabaliw, nagselfie.' ginawa ko rin itong profile.
"10 pm pa lang pala." hindi ko akalain na dalawang oras akong nabaliw. Hay. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at inantay na dalawin ng antok.
Ridge POV
Masakit ang ulo ko ng bumangon mula sa higaan. Ito ang unang pagkakataon na kinulang ako ng tulog. Kahit gustuhin ko mang matulog ay hindi na iyon pwede.
Pagkabukas ko ng pintuan ay bumukas rin ang pinto ni kuya. Nakapikit pa ito habang isinasara ang kanyang pinto. Mukhang parehas kami na kulang sa tulog.
Bigla ring bumukas ang pintuan ni Hailey. "Lalala.. lalala. Omo! Gising na pala kayong dalawa? Magandang umaga po!" nagbow pa siya at tiningnan agad si Rhett.
"Rhett alam mo ba para kang araw." nakangiting saad ni Hailey. Bakit parang may kakaiba kay Hailey ngayon?
"Sabihin mo bakit." napakunot na lang ng noo si Rhett. "Sabihin mo bakit." ulit pa niya.
"Hmp. Ayaw okay sige ako na lang. Bakiiit? Kasi kahit ilang beses mo akong saktan sa pamamagitan ng sikat mo, ikaw pa rin ang kailangan ko sa araw-araw para maliwanagan ang buhay ko."
Lalo pa siyang kinunutan ng noo ni kuya kaya napanguso siya. "Korni no? Wala eh ganyan talaga pag nagmamahal minsan kailangan nating magpakakorni. Hehe."
Masayang bumaba si Hailey kaya napangiti. Mabuti naman at masaya siya. Umiling si kuya at bumaba na rin. Tss kung ako lang yung binanatan ni Hailey ng ganoong lines paniguradong kikiligin ako. Ang kaso hindi.
Well masaya akong nakikita siyang masaya kahit hindi ako ang rason nito. Mas okay ng ako na lang masaktan.
Wait, bakit ba ang dami kong sinasabi?
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...