Hailey POV
Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Gusto kong matawa at sampalin ang sarili ko ngayon. Sino ba namang babae ang pupunta sa proposing ceremony ng taong mahal niya. Isang proposing ceremony ng taong mahal mo kasama ang babaeng papakasalan niya. Nakakatanga diba? Ay mali.
Nakakagago. Ang gago ko.
Umaasa akong may magandang mangyayari ngayong gabi. 'Hailey paanong may mangyayaring maganda kung makikita mo ng live yung pagpopropose ni Rhett kay Janna?!' galit na tugon ng isip ko.
Bago pa masira ang make-up ko ay nag-isip na lang ako ng mga bagay na magpapangiti sa akin. Isinama ko na rin ang isang taong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala, si ybb.
Bumaba na ako at nakasalubong ko si papa na kumakain sa silid-kainan. "Anak may nakaparadang kotse sa labas ng bahay baka yun na yung magsusundo sayo. Huwag kang iinom ng kahit ano duon ah huwag kang magpapagabi ng uwi."
Nginitian ko si papa bago nagsalita. "Huwag po kayong mag-alala pa."
Tumango lang siya saka pinagpatuloy ang pagkain. Lumabas na ako ng bahay at muntikan pang matapilok dahil sa taas ng takong nitong suot-suot ko. Hindi ko alam na may susundo pala sa akin. Balak ko pa naman sanang hindi pumunta at magpaligaw na lang. Hehe syempre biro lang.
Dalawang lalaki na hindi pamilyar ang mukha ang lumabas mula sa kotse. Sa tingin ko ay magkalapit lang ang aking edad sa kanila. Lumapit ang isa sa akin at bahagyang yumuko. Ang pormal naman masyado ni kuya.
"Good evening Ms. Hailey Vernice we are here to accompany you till the end of the party. Call me g1 and you can call him g2." aniya sabay turo sa lalaking kasama niya.
"G1? Girl 1 ba yung meaning nun?" biro kong sabi. Syempre dapat magfeeling close muna ako tutal kami-kami rin naman naman ang magkakasama hanggang sa matapos ang party.
"Guard 1 po ang meaning nun Ms. Hailey." Saglit siyang ngumiwi bago ako inalalayan papuntang kotse.
Isang mahabang puting sasakyan ang nasa harapan ko ngayon. Bago ako pumasok ng kotse ay hinarap ko ang lalaking kapwa nasa likod ko. "Sino nga pala yung nagpasundo sa akin dito?"
Aba mahirap na baka mga kidnaper pala ang mga ito. "Pinadala po kami ni ybb."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni g2. Bigla akong nakaramdam ng pagkakaba at pagkabahala. "Kilala niyo po ba kung sino si ybb? Ano po yung totoong pangalan niya?"
"Hindi pa po namin nakikita si ybb at hindi rin po namin alam ang buong pangalan niya. Nagkakausap lang po kami sa pamamagitan ng telepono." mabilis na sagot ni g1.
Nagkibit-balikat ako bago pumasok sa loob ng kotse. Ako lang mag-isa ang nakaupo sa mahabang upuan na ito. Maraming tao ang nangangarap na magkaroon o makasakay man lang sa ganitong klase ng sasakyan pero ibahin nila ako. Ayoko sa ganitong sasakyan. Ayokong maramdaman na may kulang sa paligid ko. Mas gugustuhin ko pa na sa trycyle ako sumakay.
Buong magdamag akong nakatingin sa bawat naming dinaraanan. Habang patagal nang patagal ay rumarami ang mga nakikita kong matataas na gusali. Nasa Pilipinas pa ba ako?
Nawala ang aking atensyon sa bintana ng biglang bumukas ang pintuan sa aking gilid. "Ms. Hailey nandito na po tayo"
Inalalayan ulit nila akong dalawa pababa ng kotse. Napapikit ako sa ilang pagkislap na dumampi sa aking mata. Saka ko lang narealize na napakaraming camera ang nasa harap ko na sabay-sabay na nagpa-flash. Humakbang ako sa gitna ng red carpet atsaka nagpose. Ilang pose ang aking ginawa katulad ng: nakapameywang, fierce, nakanguso, nagheartshape din ako gamit ang aking daliri at mawawala ba ang cholla pose.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...