Kabanata 8

397 30 11
                                    

Hailey POV

"Kahit kailan hindi kita magugustuhan. Kahit kailan hindi magkakagusto ang isang Class A na gaya ko sa isang Class F na katulad mo, Hailey." ani niya bago tuluyang umalis. Nabigla ako sa kanyang sinabi dahil akala ko okay na. Akala ko okay lang sa kanya na magkagusto ako sa kanya. Pero bakit pinapalayo niya agad ako?

Tinakluban ko na ng kumot ang aking mukha. Naalala ko na naman kasi ang sinabi sa akin ni Rhett. Tapos nagdrama pa ako sa harap ni Ridge. Isa na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Ito ay ang sinabi niya sa akin na maswerte si Rhett sa akin. Yun na lang wala ng iba.

Matamlay akong pumasok sa silid. Dumiretso na lang ako sa aking upuan. Mabuti na lang ay wala pa si Prof. Ong. "Bes okay ka lang? Teka ano palang nangyari nung sabado sa inyo ni Rhett? Kwento ka naman diyan!" tinapik-tapik niya pa ang aking kamay. Minsan talaga mas gugustuhin ko pang magpalit kami ng pwesto ni Jenna dahil nasa gitna nila akong dalawa. "Huwag mo na kasing pakialaman kita mo nang wala sa mood yung tao." biglang sabat ni Jenna. Ano pa bang mangyayari pagkatapos? Edi ayun nag-away na naman.

"Good Morning Class F!" masiglang bati ni Prof. Ong. Tumayo kaming lahat at bumati rin bilang ganti. 

"Parang ang tatamlay ng iba sa inyo ah. Ito na lang may good news ako sa inyo. Tayo ang napiling section na makakasama ng Class A sa science laboratory sa buong araw. Ibig sabihin wala tayong klase ngayong araw na ito!" naghiyawan ang ilan pero hindi ako kasama doon. Kung dati marinig ko lang ang salitang Class A  bigla na agad ako sasaya, ngayon hindi na.

"Pero paalala ko lang sa inyo. Titingnan lang natin sila. Walang gagalaw ng kahit ano doon dahil maraming mga ginagamit na chemical ang nasa laboratory. Hayaan na lang natin ang Class A na kumilos dahil alam nila ang kanilang ginagawa. Okay ba yun?" 

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa sinabi ni Prof. Bakit titingin lang kami? Dahil ba sa mga Class A lang ang science laboratory. Ang hirap sa mga Class A akala nila sila na ang pinakamatalino sa buong mundo. Liban nga lang kay Rhett dahil kilala siyang may IQ na 200. Anubayan hanggang ngayon ba naman siya pa rin ang iniisip ko? Nakakaasar!

"Pumila na tayo nang nasa linya sa labas. Magkahiwalay ang linya ng boys at girls." ani ni Prof. Ong. Nagsilabasan na ang iba pero nagpahuli kami nila Jenna at Keisha.

"Hailey okay ka lang ba? May masakit ba sayo." biglang tanong sa akin ni Nixon habang nasa linya. Oo sa puso.

"Huwag mo na munang pakialaman wala sa mood yung tao." sabat ni Keisha. Napanguso na lang si Nixon at tumango. "Gaya-gaya." ani ni Jenna. Nag-away na naman ang dalawa. Anubayan!

Habang naglalakad hindi magkamayaw ang ilan kong mga kaklase na tumitingin sa loob ng science laboratory. Salamin kasi ang pader nito at kitang-kita mo ang mga tao sa loob. Palibhasa halos lahat ng nasa Class A may aking kagandahan at kagwapuhan. Ayan na naman tayo sa pagpuri mamaya niyan mapunta na naman kay Rhett.

Ang daming mga machines at mga may kulay ng tubig sa bawat lamesa. Kitang-kita mo talaga na seryoso ang mga nasa Class A dahil abala sila sa kanilang ginagawa. 

Pagkapasok namin sa science laboratory agad na nagsitinginan sa amin ang mga Class A. Nakamask sila pero kitang-kita pa rin namin kung paano sila na nagbubulong-bulungan pagkatapos ay bumalik rin sa kanilang trabaho.

May isang babae ang lumapit sa amin at sinabing umupo lang kami sa tabi. Tahimik naman kaming umupo doon at pinagmamasdan lang ang Class A. "Anong ginagawa ng Class F dito Prof? They shouldn't be here right? I mean hindi naman nila trip ang ganitong mga bagay." sabi ng isang lalaki. Umiling na lang ang kanilang Prof at tumawa ng bahagya. Nakakainis! Bakit ba ganyan nila kami tingnan? Porket ba kami ang pinakalowest na section ay bawal na kaming makisalamuha sa mga higher section?

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon