Kabanata 6

613 40 94
                                    

AN:// Dedicate po kay ate na isa sa mga #TeamRidge. Hello po Hahaha.

***

Hailey POV

"Anak! Anak gising na." nagtulog-tulugan ako pero grabe makayugyog si papa. Mamaya pang seven yung pasok ko pero ginigising niya na ako ngayon.

"Pa naman, wala pang ala-singko oh. Ang agad niyo naman akong gisingin." ani ko at nagtaklob ng kumot. Naunahan niya pang tumunog yung alarm clock ko.

"Anak may naghahanap kasi sayo sa baba. Nixon daw. Hindi ko dapat papasukin pero nakakaawa naman kung sa labas lang siya mag-aantay." napabangon tuloy ako bigla. Paano niya nalaman ang bahay ko?

"Seryoso po? Hala! Pakisabi po pababa na." nagsuklay ako at naghilamos. Bumaba rin si papa at narinig kong may kausap sa baba. Ano bang trip ni Nixon at pumunta siya ng ganito kaaga? Inaantok pa ako.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit kaya agad akong bumaba. "Nixon sorry medyo natagalan ako."

"Okay lang kararating ko lang rin naman."

Napansin kong hindi siya naka-uniporme. Umupo ako sa tabi niya atsaka tiningnan si papa na nakatingin sa amin. "Nixon, papa ko nga pala. Si Carlos Vernice. Papa, si Nixon po ahm ano." teka ano ko ba siya? Kaibigan?

"Son in law niyo po." ani ni Nixon na ikinabigla ko. S-son in law?

"Aba bata wag kang magbiro ng ganyan. Ngayon lang kita nakita tapos sasabihin mo na son in law kita?!" galit na sabi ni papa. Papaano na ito? Bakit niya naman kasi sinabi kay papa yun.

"Papa naman naniwala kayo agad sa joke ni Nixon. Hahaha. Joke lang yun ni Nixon papa wag kang mag-alala. Hahaha." natatawa kong sabi. Nagpilit-pilitan akong tumawa para magmukhang totoo. Huminga naman ng malalim si papa at saka tumango.

"Ah ganun ba? Sorry ah hindi ko alam na joke pala yung sinabi mo pero kung joke man yun pasensya pero ang korni." nakagat ko na lang ang labi ko sa sinabi ni papa kay Nixon. Si papa talaga napakastraight forward.

"Seryoso po ako."

Tuluyan ng nalaglag ang panga ko. "Mahal ko po si Hailey at seryoso po ako sa kanya." seryoso pa niyang sabi. Si papa naman ay napanganga na lang din tulad ko.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si papa at agad na hinila si Nixon palabas ng bahay. Ano ba kasing gusto niyang mangyari? Nang makarating kami sa park ay hinarap ko siya. Nakangiti siya sa akin na para bang wala siyang ginawang eksena kanina.

"Nixon naman bakit mo sinabi yun kay papa? Atsaka bakit nandito ka ng ganito kaaga?" hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Nabigla siya sa tono ng pananalita ko pero agad rin niyang hinawakan ang kamay ko.

"Pasensya na. Gusto kasi kitang makita agad. Pasensya kung nabigla kita pati na rin ang papa mo. P-pasensya sa lahat."

Tumingin siya sa akin ng diretso habang hawak-hawak ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nalungkot naman ako dahil bigla ko siyang napagtaasan ng boses.

"Sorry kung napagtaasan kita ng boses. Sa totoo niyan kasi ganito ako kapag puyat eh. Mabilis akong magalit kapag kulang ako sa tulog. Pasensya na rin." yumuko ako ng kaunti. Parang gusto ko tuloy umiyak. Hindi ko alam pero ayaw na ayaw ko na may tao akong napagtataasan ng boses.

"Ganun ba? Ang galing naman." natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako.

"Gusto mo bang pumunta sa favorite kong lugar?" tutal magaan na ang loob ko sa kanya ay dapat na siguro akong masanay. Dapat ko na rin sigurong ishare sa kanya ang lahat ng tungkol sa akin tulad nila Jenna at Keisha.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon