Kabanata 7

486 33 12
                                    

Hailey POV

Biyernas na at kasalukuyan na kaming naghahanda para sa darating na midterm exam. Pag-uwi ko ay agad kong inihanda ang isusuot ko para sa kaarawan ni Nixon bukas. Kasama ko ring bumili sila Jenna at Keisha ng damit kahapon.

Isang kulay pulang dress ang binili ko na may mga beads sa na nakapalibot mula bewang pababa. Bumili rin ako ng ilang make-ups para hindi na ako magpa-ayos pa. Mapapamahal pa kasi kapag magpapa-ayos pa.

"Papa hindi susunduin daw po ako ni Nixon bukas kaya hindi niyo na po akong kailangang ihatid." ani ko at tumulong sa paghahanda ng mga sangkap sa lulutuin ni papa. "Mabuti kung ganon. Basta Hailey, dapat kapag 10 pm na umuwi ka na agad ah. Bawal uminom atsaka wag kang hihiwalay sa mga kaibigan mo." mahabang payo niya habang nagluluto.

"Si papa talaga! Huwag po kayong mag-alala makakaasa po kayo." mahinahong sabi ko habang kumukuha ng plato. Nilapag ni papa ang kanyang mga niluto kaya sumandok na ako ng ilang putahe.

Habang kumakain biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Ridge sa akin. "Pa pwede po bang magtanong?

"Hmm tungkol saan naman?" tiningnan niya ako ng diretso at kumunot ang noo. Tumikhim ako at umiling. "Ah w-wala pala yun pa. Hehe, kain na lang po tayo." kinagat ko na lang ang labi ko. Mas mabuti pa kung si Ridge na lang mismo ang siyang tatanungin ko.

"Pa akyat na po ako sa taas." malakas na sabi ko at umakyat na para pumunta sa aking kwarto.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako nakatingin sa kisame habang iniisip ang sinabi sa akin ni Ridge. Ilang araw ko na rin yung iniisip dahil magmula noon ay hindi ko na siya nakita pati ang si Rhett na kuya niya. Siguro marami silang ginagawang activites palibahasa parehas silang Class A at Top 1 overall pa.

"Maswerte sa akin si Rhett? Paano? Teka may ginawa ba akong maganda? Anubayan! Ano ba talaga yun?! Hay." bulong ko sa sarili. Okay! suko na ako. Pumikit na lang ako at pinilit na matulog.

Tanghali na ng ako'y nagising kaya dali-dali akong naligo at nagbihis ng binili kong dress. Ilang minuto na lang ay darating na si Nixon kaya simpleng make-uo na lang ang nilagay ko sa aking mukha. "Anak si Nixon na yata yung nasa labas. May kotse kasi sa tapat ng bahay natin!" sigaw ni papa.

Nagmadali akong sinuklay ang buhok ko at nagpabango ng kaunti. Nasa sa huling baitang na ako ng bigla akong mawalan ng balanse. "Hailey!.." pumikit ako at inaasahan ang aking pagkalagapak. "Hailey... Hey hailey!... Open your eyes Hailey..." dahan-dahan ko namang minulat ang aking mga mata.

"Nixon.. salamat." bulong ko habang buhat-buhat niya ako. "Mabuti na lamang ay pumasok ako ng bahay niyo muntikan ka ng malaglag ng hagdan." ngumuso ako.

"Isang hakbang lang naman na yun kaya hindi yun masyadong masakit." ani ko. Dahan-dahan niya akong binaba sa tapat ng kotse. Maraming tao ang nakatingin sa akin kaya yumuko ako ng bahagya.

"Isa? Isa lang yun oo pero malalaglag ka pa rin at walang sasalo sayo." seryosong saad niya.

Binuksan niya ang pintuan sa likod at pinauna niya akong pumasok tsaka siya sumunod. "Mabuti na lamang at nandoon ako at nasalo kita." pumikit siya ng mariin atsaka sinabi sa kanyang driver na umalis na.

"S-sorry na po." bulong ko. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Huwag ka ng humingi ng paumanhin, ako dapat ang humingin nun hindi ikaw." kumunot ang noo ko at dahan kong nilapat ang aking kamay na hinawakan niya patungo sa kanyang noo.

"Wala ka namang sakit pero bakit parang kakaiba ka ngayon? Teka naka-drugs ka ba? Hala! Manong ibaba niyo po muna kami sa pinakamalapit na ospital. Naku kailangan mo na agad malunasan para hindi ka itokhang! Naku talaga!" sigaw ko pero isang napakalakas na tawanan ang sagot nila. "Pfft. Sir grabe naman pong magjoke itong girlfriend niyo tinalo pa kayo hahaha..." tumigil sa pagtawa si Nixon at agad na binatukan ang driver.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon