Hailey POV
"Ngayon na ang kasal niyo!"
Sa sobrang gulat ay muntikan pa akong mapasigaw kung hindi ko natakpan ang aking bibig. Ngayon na ba talaga? Kahapon lang humingi ng permiso si Rhett tapos ngayon na ang kasal namin? WAAAH!
"Ma hindi ko alam ang tungkol dito at bakit ikaw ang gumagawa ng desisyon? Its our wedding not yours." ani Rhett.
Galit ba siya? Ayaw niya bang ikasal sa akin? Madaming tanong ang bumabagabag sa aking isipan pero wala akong sapat na lakas para magtanong lalo't sinasampal na sa akin ng katotohanan na may posibilidad na magbago pa ang isip ni Rhett.
"Kaya nga surprise diba? Kapag sinabi ko sa inyo edi hindi na surprise yun atsaka last naman na 'to. Hinding-hindi ko na kayo papakialaman sa mga desisyon niyo maliban sa wedding, honeymoon at babies,"
Babies talaga? Pero pwede na rin hehe. Aarte pa ba ako? Si Rhett na yan eh, Rhett Calloway.
Malakas na pumalakpak si tita at wala pang limang segundo ay pumasok ang dalawang lalaki. Heto na naman tayo...
"Ihanda niyo na ang kotse at tayo'y lalarga na." Mabilis na sumibat ang mga ito. Isang napakalaking ngiti ang sumilay sa labi ni tita habang iginagalaw pa ang kanyang kanang kilay.
Ito na yun Hailey... ikakasal na ako!
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Ako ba talaga ito? Bakit sobrang ganda ko naman yata? Hindi sa nagmamalaki ako ah pero kamukha ko yung korean actress na si Jung So Min. Hehe ang kyut lang!
"Your so beautiful ate Hailey."
Nilingon ko kung saan galing ang boses na yun. "Ridge ikaw pala, kanina ka pa ba nandiyan?"
Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Malay ko ba kung kanina pa pala siya nandiyan tapos nagbibihis ako diba? Hindi ko naman siya masisisi lalo't ang ganda-ganda ko ngayon. Pero bawal pa din! Hay mababaliw na yata ako.
"No, kararating ko lang at dont worry hindi ako naninilip habang nagbibihis ka. I respect you and your owner so you dont have to worry about."
Nakahinga ako ng malalim. Mabuti na lang at hindi manyak ang isang 'to. Hinarap ko siya saka nginitian. "Ridge makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sayo. At alam kong malapit na yun dumating, natraffic lang yun sa EDSA." pagbibiro ko.
Tumawa siya ng malakas na para bang iyun na ang pinaka-nakakatawang joke na narinig niya. Pero alam kung hindi yun purong kasiyahan. Ramdam ko pa rin na masakit pero hindi niya lang pinapakita.
"I dont think I can love another girl unless a girl with the same personality of yours came in." Pumamulsa siya habang titig na titig sa akin. Isang babaeng katulad ko? Paano yan eh nag-iisa lang ako eh.
"Sa tingin mo ba gusto ni Rhett na pakasalan ako ngayon? Kanina kasi habang bumabiyahe mukha siyang galit." Yumuko ako at malalim na bumuntong-hininga. Ayaw kong mag-isip ng negatibo kaya inisip ko na lamang ang mga masasayang pangyayari sa aming buhay.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...