[Ayesha]
"HAPPY 68th Birthday Lolo!" Masigla kong bati sa lolo Tony ko. Maaga akong gumising para surpresahin sa kaniyang kaarawan ang pinakamamahal kong lolo.
Nandito kami ngayon sa kusina at nakaupo si lolo sa harapan ng hapag kainan. Samantalang ako naman ay nakatayo lang sa may gilid niya at hawak-hawak ang cake na aking b-in-ake. Naki-bake ako sa bahay nina Jacqueline. Poorita kami kaya wala kaming oven.
Kita ko naman ang saya sa mukha ni lolo. Bakas mo sa kaniyang kulubot na mukha ang kaligayahang kaniyang nadarama sa mga oras na ito. Maging ako man ay masaya para sa karagdagan niyang buhay ngayong taong ito.
"🎶Happy Birthday lolo. Happy Birthday, happy birthday, happy birthday lolo🎶. Happy Birthday lolo Tony!" Pag-awit ko ng Happy Birthday kay lolo. "Blow mo na po lo. Pero syempre mag-wish ka po muna." sabi ko at mas inilapit ko sa kaniya ang cake.
"Hala sige apo." Pumikit muna sandali si lolo bago niya hinipan ang sindi ng kandila.
"Yeheey!" Masayang-masaya kong sambit at pumalakpak pa ako.
"Hay naku apo, may pacake-cake pa hindi na ako bagay d'yan matanda na ako." Reklamo ni lolo at natawa na lang ako.
"Lolo, kahit anong edad n'yo pa magki-cake pa rin tayo, okay?" Niyakap ko siya mula sa likod.
"Ikaw ang bahala apo. Salamat apo. Salamat." sabi ni lolo na hinahaplos ang buhok ko.
"Sige na apo, baka malate ka pa sa klase mo." Hala! Oo nga pala may pasok nga pala ako. Ngayon ko lang naalala.
"Sige po lolo maggagayak na po ako." Paalam ko at umakyat sa kwarto.
"AYESHA!" Kasalukuyan akong nagbibihis ng aking sailor blouse uniform sa harap ng salamin nang marinig ko ang boses ni Tita Hilda.
"Ayesha!" Pagtawag muli ni Auntie."Nandiyan na po!" sigaw ko pabalik habang dali-dali kong ibinubutones ang pinakahuling butones ng aking blouse. Nakabalot pa ng tuwalya ang aking buhok.
"Ayee!" Muling sigaw ni Auntie. Alam kong galit na siya.
"Nandiyan na po! Saglit lang!" Sigaw ko naman pabalik.
Kahit hindi pa ako nakakapanuklay at hindi ko pa tapos isuot ang aking uniporme ay dali-dali na akong bumaba ng hagdan. Nagtungo ako sa sala kung saan naroroon ang aking masungit na tiyahin. Nadatnan ko siya roong nakatayo at nagpapaypay.
"Bakit po Auntie?" tanong ko.
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya at tiningnan ako ng masama.
"Pasensya na po Auntie, nagbibihis po kasi ako. Bakit n'yo nga po pala ako tinawag?" Magalang kong tanong.
"May gusot pa sa uniform ng pinsan mo plantsyahin mo muna iyon. At saka linisin mo na rin ang sapatos na gagamitin niya." Pag-uutos niya.
"P-Pero Auntie, mali-late na po ako sa klase ko hindi pa nga po ako tapos sa sarili ko eh." Reklamo ko sa mababang tono. Nagsalubong naman kaagad ang kilay niya.
"Aba't sumasagot ka pa!" Galit nitong sambit.
"Hindi po. Sige po gagawin ko na." Kahit ayaw ko ay ginawa ko pa rin ang pinag-utos niya. Pinalantsya ko ang blouse ng pinsan kong si Analy.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...