Chapter 70: War

2.2K 49 0
                                    

Ayesha Jane Mancera
Point of View

"Bakit mo ba ginagawa ito, Harold?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

Ang sakit isipin at tanggapin na sa lahat ng tao na gagawa nito, siya pa. Siya pa na kaibigan namin. Siya pa... na pinagkatiwalaan namin.

Tinitigan niya ako ng matalim. Tila ba nag-aapoy ang nga mata niya. I can sense his anger and also his pain. Bahagya siyang naupo at tinitigan ako na para bang hindi niya ako kilala. Na para bang wala lang sa kanya ang mga pinagsamahan namin.

"Bakit? Dahil gusto ko. Kaawa ka, Ayesha dahil nadamay ka pa. Nadamay ka pa sa mga paghihiganti ko. Kung hindi man ako magtagumpay sa pagpatay sa buong pamilya ni Azell. Kukunin ko na lang sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya."

Napayuko ako. Naikuyom ko nang mariin ang mga kamay ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, galit... sa taong kaharap ko dahil pinagtaksilan niya kami. Sakit, dahil sa lahat ng gagawa nito... siya pa na kaibigan namin. At awa, para sa kanya. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang dinadala niya.

"Pero bakit? Hindi ba't naging mabuti sa'yo si Az? Maging ang pamilya niya ay naging mabuti sa'yo... kaya bakit mo ginagawa ito? Anong nagawa nilang kasalanan at gusto mo silang paghigantihan?"

"Dahil sa kanila, nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko. ElblackO... alam mo ba kung ano iyon?"

Tanging pag-iling ang naging tugon ko.

"Iyan ang organisasyon ng aking ama, si Henrico. Isang organisasyon kung saan kabilang ang ina ni Azell."

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Hindi ko inasahan ito. Hindi ako makatingin sa kanya. Nanatili akong nakayuko at nakatuon ang aking mata sa hita ko.

"Nagtaksil si Mrs. Ezcadler sa organisasyon. At dahil iyon  sa ama ni Azell. Dahil sa pag-iibigan nila... nagtaksil si Mrs. Ezcadler. Nasira ang mga plano. Nakulong ang pinuno nilang si Henrico. Nang mga panahong iyon ay ipinagbubuntis na ako ng aking ina. Nang ipanganak ako ay wala sa tabi ko ang aking ama. Ni hindi man lang niya ako nakarga. Noong apat na taong gulang na ako'y nagpakamatay ang aking ina. At nasaksihan ko ang lahat ng iyon. Tuluyan na akong naulila. Ipinagkait nila sa akin ang pamilyang dapat mayroon ako. Naging palaboy ako. Napadpad sa bahay ampunan. Noong pitong taong gulang na ako ay may umampon sa akin... at iyon ang mga kinikilala kong magulang ngayon. Maaaring hindi nahalata nila Az, dahil binago ng mga umampon sa akin ang apelyedo ko. Labing-limang taong gulang ako nang makilala ko ng aking amang si Henrico. Nakapiit siya sa bilangguan. Doon ko nalaman ang buong katotohanan. Dahil sa pamilya Ezcadler nasira ang buhay ko. Kaya dapat lang na magbayad sila. At ikaw ang kabayaran, Ayesha."


"Patawad..." Iyan lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Alam kong mabigat ang dinadala niya. Alam kong masakit ang mawalan ng minamahal sa buhay. Tumunghay ako at tinitigan siya. Mugto pa ng luha ang aking mga mata.

"Huli na para humingi ng tawad. Parating na si Az. At pagdating niya rito pareho namin kayong pahihirapan."

Tumayo siya ng matuwid at saka  lumingon kay Yosen na nakasandal sa may pintuan. Ang traydor na iyon...

"Yosen, ikaw na muna ang magbantay sa kanya."

Ngumisi lang ito. Lumabas si Harold at nag-umpisa namang maglakad palapit sa akin si Yosen.

"Traydor ka!" Galit kong singhal sa kanya. Pinagkatiwalaan namin siya, pero tinraydor niya kami. Tinraydor nila kami.

"Huwag ka ngang maingay. Ang sakit mo sa tainga. Manahimik ka dahil baka kung anong magawa ko sa'yo."

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon