CHAPTER 17: WELCOME MINDORO
[Ayesha]
Nagising ako sa ingay ng mga tao at busina ng barkong aming sinasakyan. At dahil na rin sa pag-aanounce sa barko na nandirito na raw kami sa aming distinasyon.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at si Azell ang una kong nakita. Natutulog siya habang nakaupo. Nakaunan naman ako sa hita niya. Dahan-dahan akong naupo at ginising siya. Agad naman siyang nagising.
"Nandito na raw tayo." Inaantok ko pang sabi.
"Okay fine. Let's go." Tumayo na kami kahit antok na antok pa. Nilabit namin ang mga dala namin. At syempre siya iyong bag lang niya ang nilabit niya. Ni hindi man lang ako tinulungan.
Nawala na ang antok namin dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa aming balat. Nagsibabaan na ang mga tao sa barko at kami naman ay bumababa pa lang sa unang palapag para makalabas na.
Nahirapan akong buhatin ang mga gamit ko pero itong si Azell ay parang wala lang pakialam. Ako naman ito't nakasunod lang sa kaniya. Maraming tao kaya naman mabagal ang mga hakbang namin dahil siksikan.
Naririnig ko pa ang busina at tunog ng barko. Umoy usok rin ng mga sasakyan dahil sa mga sakay nitong sasakyan at mga cargo truck. Medyo mainit sa unang palapag na pinagsasakyan ng mga sasakyan tulad nga ng mga cargo truck.
Madilim pa sa labas ng tuluyan na kaming makalabas ng barkong aming pinagsakyan. Nanatili kaming nakatayo sa pier dito sa Mindoro.
Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Alas-dyis pa lang ng gabi. Apat na oras ding naglayag ang barko. Medyo nahihilo pa ako ng konti pero hindi na katulad kanina."Ano na ang gagawin natin ngayon? Nasan na ba tayo?" tanong ko kay Azell.
"Mindoro." Mabilis niyang sagot habang kinukutingting ang cellphone niya.
"Alam kong Mindoro ito. Pero saang parte ng Mindoro? Malapit na ba tayo sa distinasyon natin o hindi?" sabi ko.
"Bakit akong tinatanong mo eh first time ko rin namang pumunta rito. Have you forgot I lived in US since I was in Grade school. Kaya naman wala akong alam sa mga lugar sa probinsya dito sa Pilipinas. Ikaw ang taga rito sa bansang ito kaya dapat alam mo." Suplado niyang sabi. Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko sa lalakeng ito.
"Ewan ko sa'yo! Wala kang kwentang kausap. Magtatanong na nga lang ako." Pasigaw kong sabi.
Naghanap ako sa paligid ko ng maaaring mapagtanungan.
"Excuse me, kuya. Anong lugar po ba ito? Anong pier ito?" tanong ko sa Mama.
"Abra. Nasa pier po kayo ng Abra de Ilog." Mabilis nitong tugon na medyo may punto pa.
"Ah, sige po salamat po. May alam po ba kayong inn na pwede naming tuluyan ngayong gabi nitong kasama ko?" tanong ko at itinuro ko pa si Azell.
"Ay meron. Pagkalabas niyo nitong pier. Deretsuhin niyo lang iyong kalye pagkatapos kumanan kayo. May makikita kayong building na tatlong palapag ang taas. May nakalagay na Daisy Inn. Malapit lang iyon dito." Paliwanag nito.
"Ay maraming salamat po." Umalis na ang lalake matapos kong sabihin iyon. Lumapit ako kay Azell na abala pa rin sa pagkukutingting sa cellphone niya.
"Nasa Abra de Ilog daw tayo." sabi ko.
Isinilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya at tumingin sa akin.
"Alam ko. Narinig ko naman iyong sinabi niya." Suplado nitong sabi.
"Eh iyon naman pala eh. Ano pang ginagawa natin dito? Eh di ba dapat pinupuntahan na natin iyong sinasabing Inn. Helloo! Ayokong matulog sa pier na ito noh. Alas-dyis pa lang noh. At saka inaantok pa ako. Gusto kong magpahinga. Matulog sa tunay na kama at mag-unan ng unan hindi ng hita at saka gus--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilayasan na niya ako.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Novela JuvenilInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...