[Ayesha's Point of View]
Today is the day of the pageant. Ala-syete pa lang naman ng umaga ngayon at mamaya pa namang ala-una magsisimula ang pageant kaya mahaba pa ang oras.
Walang klase ngayong umaga dahil may may program. Ang lahat ay abala sa pagpapakasaya. Nandito kaming lahat sa auditurium at nagpapractice ng paglakad. This will be our last practice.
Nakasuot kaming lahat ng high waist fitted pants at nakawhite sando na pang-itaas. Piling tao lang ang nandirito sa loob ng silid na ito.
Nandito ang pamilya ng mga kasali sa patimpalak. Sina Tita at Tito lumabas muna sandali dahil may inaasikaso. Si Sheneia lang ang nandito at syempre si Azell.
"Okay! Candidates come here."
Nagsilapitan ang mga ito sa choreographer. Ganon na rin ako.
"Okey ganito. Sa opening ng paglakad niyo, you will wear a two piece bikini." Maarte nitong wika.
Like what I expect. I have to wear that things. Ipinakita sa akin ni Derek ang susuotin namin na two piece bikini. Ang gaganda niya.
"No. You will not going to wear that." Mariing pagtutol ni Azell na ikinagulat ko.
Natuon ang atensyon naming lahat kay Azell.
"Pero Az." Tumingin siya sa akin.
"Hindi ka magsusuot niyan. Okey na iyong short huwag lang 'yan." Strikto niyang turan.
"Derek, alam mo na ang gagawin mo. Ako na ang bahalang gumastos."
Sumunod na lang ang masungit na baklang director kay Az. Hindi ko nga alam kung paano niya napasunod ang isang iyon.
Noong una ay parang ayaw pa pero noong tinitigan siya ni Az ng masama ay natakot ito at kusang sumunod. Si Azell talaga.
***
Limang minuto na lang at magsisimula na ang naturang pageant. Naayusan na kaming lahat at handa nang sumalang sa entablado.
Nakasuot kaming lahat ng sleeveless at short na maong na maikse. Kagagawan ito ni Azell. Ang dapat ni bikini outfit ay naalis.
Nandito ako ngayon sa back stage kasama ng ibang kandidata at kandidato. Ang iba ay kasalukuyan ng rumarampa sa stage ngayon. Ang kasama ko ngayon na nag-iintindi sa akin ay sina Frans, Jaqueline, Hanna, at si Sheneia.
Nireretouch pa ni Frans ang make-up ko. Kailangan daw kasi ako ang pinakamaganda.
"Ayan! Pak na pak. Talbog silang lahat." sabi ni Frans habang hawak ang brush ng make up.
"Ang O.A ni kuya noh." sabi ni Sheneia na inaayos naman ang buhok ko.
"Hay naku! Iyang si Azell talaga. Akalain mo inalis niya ang bikini outfit dahil lang ayaw ka niyang makitang rarampa na ganon lang ang suot. Iba ka talaga, Ayesha." sabi naman ni Jaqueline.
Wala na akong ibang ginawa sa kanila kundi ang ngitian sila.
"Ganon lang talaga iyong si kuya. He's really strict. Kahit nga sa akin ganon siya." sabi ni Sheneia.
"Excuse me. Candidate no.14 after nung papasok ikaw na. So prepare. By the way where is your escort?"
Nagkatinginan kaming lahat.
"Nasan si Raven?" tanong ni Jaqueline.
"Oo nga. Diba dapat kanina pa siya dito." wika ni Frans.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Ficção AdolescenteInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...