[Ayesha]
"I still love you."
Agad dumapo sa kaniyang kaliwang mukha ang palad ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya masampal dahil sa galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Anong karapatan niya na sabihin iyon? I still love you? Tsk, kalokohan. Ang kapal ng mukha niya para sabihin iyon. Napabaling na lang ang ulo niya sa isang sulok.
Dahil sa sobrang galit ko, hindi ko na namalayan ang mga luhang tumutulo sa mukha ko. Matapos ang naging break-up namin ay ngayon na lang ulit kami nakapag-usap.
"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang karapatang sabihin sa'kin 'yan. Hindi mo ko minahal, Markuz." Sumbat ko sa kaniya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
Dahan-dahan niya akong nilingon at tininingnan ng derekta sa mata. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Pero hindi ako dapat maawa sa kaniya. Hindi ako dapat magpaapekto.
"That's not true."
"That's not true? Wow naman. Hanggang ngayon ba naman ginagawa mo pa rin akong tanga? Pwede ba tama. Ayoko na!" Tumawa ako ng sarkastika.
"Oo inaamin ko, gago ako. Oo niloko kita, sinaktan, pinaglaruan. Pero mula noong araw na nakipaghiwalay ako sa'yo. Ang dami kong narealized. Mula noon pakiramdam ko palaging may kulang. Oo, alam ko. Kahit parang tanga oo kahit niloko at iniwan kita. Namimissed kita. Hindi ko alam na ganon na pala iyong naging epekto mo sa'kin. Nanghihinayang ako na pinakawalan kita. Oo playboy ako! Lalakeng hindi marunong magseryoso. Pero ang hirap eh. Kasi noong nakilala kita. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa'yo. Na kulang pala ako kapag wala ka. Please, give me another chance. I'm sorry."
Wala na akong masabi matapos kong marinig ang lahat ng iyon mula sa kaniya. Ni minsan hindi ko inisip na sasabihin niya iyon.
Nanakbo na lang ako palayo sa kaniya. Gusto kong tumakas sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bakit ba palagi na lang ganito? Move on na ako kay Markuz. Pero iba ngayon. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng sakit sa tuwing maalala ko ang lahat ng ginawa niya.
Sa aking pananakbo ay bumangga ako sa lalakeng kasalubong ko.
"Umiiyak ka na naman." Kahit hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya dahil sa mga luhang nakaharang sa mata ko ay batid kong si Azell iyon. Hindi na ako nakaimik.
Kusa kong isinubsob ang mukha ko sa hard chest niya at doon ko na inubos ang mga luha ko. Naramdaman kong niyakap niya ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya na humahaplos sa likod ko lalo pa't labas ang likod ko dahil sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit, pero niyakap ko siya pabalik.
"Who made you cry?" Bigla akong nanlamig sa tanong niya. Napakalamig kasi ng boses niya. Alam kong galit siya. Nararamdaman ko iyon. Kumawala ako sa kaniya at hinarap siya.
Kita ko ang galit sa mga mata niya. Napaiwas ko ng tingin. Natatakot ako.
"I said, who made you cry?" May diin sa tono ng boses niya. Na nagpalakas sa kabog ng dibdib ko.
"W-Wala."
"You lied. Si Markuz ba?" Hindi ako umimik. Nanatili akong nakayuko.
"Siya? Please answer me. Si Markuz ba?" Tumango ako ng dahan-dahan.
"Sh!t." I heared him cursed. Now I'm one-hundred percent sure na galit na siya.
"Az, san ka pupunta?" Hinawakan ko siya sa braso ng akmang aalis na siya.
Lumingon siya sa akin. Ang lamig ng tingin niya.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...