Chapter 82: Azell's Property

2.8K 130 2
                                    

A/N: First of all I want to dedicate this Chapter to @Dialleng_09 Happy Happy Birthday bhe. Ngayon ko lang nabasa iyong pm mo sa akin dito sa wattpad. Thanks sa nakakainspired na message. Hindi ko inakalang may nagpupuyat pala sa pagbabasa nito. Akala ko kasi wala lang pakialam ang mga readers kung mag update ako o hindi. 

Azell Sky Ezcadler
Point Of View

Nang imulat ko ang aking mga mata, unang tumambang sa akin ang puting kisame. Naramdam ko kaagad ang bigat sa dibdib ko. Parang may mabigat na nakapatong rito, na nagpapabigat sa paghinga ko. 

Ito ang unang umaga na  gigising ako nang wala si Ayesha. Madalas pagmulat ng mata ko siya ang kauna-unahang makikita ko. Minsan madadatnan ko siya sa kusina. Lalapit ako sa kanya at ikukulong siya sa mga bisig ko. Pero ang lahat ng iyon ay isang alaala na lang ngayon.

Una akong nagtungo sa kusina. Nadatnan ko roon si Mommy na abala sa pagluluto ng pagkain para sa umaga. Kahit saan ko ilibot ang tingin ko, siya ang naaalala ko. Naaalala ko iyong mga panahon na nagluluto siya. Iyong mga panahon na nakaupo kami sa harapan ng lamesa at sinusubuan ko siya.

Sunod kong tinungo ang sala. Naalala ko iyong mga panahon na naghahabulan kami. Tapos nang mahuli ko siya, niyakap ko siya agad. Sobra na kitang namimissed Aye. Lumabas ako at nagtungo sa pool area. Naupo ako sa labi ng swimming pool at hinayaang nakasawsaw sa tubig ang aking mga paa't binti. Itinuon ko ang aking mga kamay sa gilid ko. Napatingala ako sa itaas. Ang daming ibong nagliliparan. Masasabi kong maganda ang panahon ngayon. Bughaw ang himpapawid at iilan lang ang mga ulap. 

I took a deep breath. I always remember her. I missed her so damn much. Like she lost for thousand years. Isang araw pa lang siyang wala, miss na miss ko na siya. Halos mahulog na ang telepono ko sa tubig ng swimming pool nang tumunog ang iyon at makitang si Ayesha ang tumatawag. Dali-dali ko iyong sinagot ng may buong kagalakan. 

[Hi.] Isang salita na na may dalawang letra, na agad nagpabilis ng tibok ng puso ko. I missed her voice.

"Hello Minnie ko." Nakangiti kong pagbati.

[Nandito na ako Mickey ko. Kakadating ko lang.]

"Nag-aano ka?"

[Ito nakaupo sa kama. Nag-aayos ng mga damit. Ikaw?]

"Ito nakaupo sa pool. Iniisip ka."

[Hahaha! Ikaw talaga.] I missed her laughed.

"Kumain ka na?"

[Hindi pa eh.]

"Huy! Kumain ka na. Baka nagpapalipas ka na ng gutom. Kumain ka sa oras ha."

[Sweet naman ng baby ko.]

"Syempre sweetbaby mo nga ako diba?"

[Hahaha! Oo nga pala. Ay, baby mamaya na lang tayo mag-usap. Tinatawag ako ni Mom eh. Kakainin na raw kami.]

"Sige babye. I love you."

[I love you too. Ingat.]

Namatay na ang tawag. Kahit papaano'y naibsan ang lungkot ko matapos kong marinig ang boses niya. Tinawag na ako ni Mom para kumain ng umagahan.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon