Chapter 54: Fight for Him

2.7K 52 0
                                    

[Azell]

"Kuya." Naramdaman kong hinawakan ni Sheneiah ang braso ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at magkatabing nakaupo sa gilid ng kama. Mula nang sabihin ng butler namin ang tungkol sa nalaman nila kahapon sa may-ari ng singsing, hindi na ako mapakali.

"Do I really have to marry that Girl?" I asked. Napahilamos na lang ang aking mga palad sa aking mukha. Gulong-gulo ako.

"Iyan ang nakasaad sa kasunduan. So you have to Marry her."

"But I love Ayesha. Masasaktan siya kapag nalaman niya 'to."

"I know kuya. Hindi mo naman siya kailangang saktan eh." Napatingin ako sa kaniya ng may pagtataka. Lalo na nang makita kong nakangiti siya.

"How? Kahit anong gawin ko masasaktan ko pa rin siya. Isipin mo ngang mabuti, magpapakasal ako sa pinsan niya na umalipusta at nang-api sa kaniya."

"Alam ko. I know it hurts for her. Pero kuya isipin mo rin'g mabuti, di ba pinagkasundo ka sa isa sa mga apo ni Arthur Salcedo. It can be Ate Ayesha or Ate Analy. At ang pinakang nakakapagtaka pa, natagpuan nila mismo ang singsing sa bahay ni Arthur Salcedo. At suot na ito ngayon ni Analy Salcedo. Na sinasabing may-ari ng singsing."

"Wait- Naguguluhan ako sa'yo eh. Will you please direct me to the point."

"Kuya, simple lang naman eh. Naniniwala ka ba talaga na si Analy Salcedo ang may-ari ng singsing? Naniniwala ka ba na siya ang batang nakilala mo sa Amusement Park at binigyan mo ng Ezcamafia Ring?" Napaisip ako sa mga sinabi niya. Tama siya.

"Hindi. Hindi ako naniniwala. Kilala ko si Analy dahil kaklase ko siya. At kilala ko rin ang batang nakilala ko noon. At alam kong malaki ang pinagkaiba ng ugali nila." Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"That's it kuya. At 'yan ang kailangan nating malaman. I think we have to go their. Kailangan nating makaharap si Analy Salcedo para makasigurado tayo na siya talaga ang may-ari ng singsing. Isama na rin natin sina Mom and Dad."

"Tama ka. Kailangan na natin ng sagot sa tanong. Pero nag-aalala pa rin ako. Paano kung--"

"Sshh... magtiwala ka lang kuya. Kung si Analy man iyon, hindi ko siya matatanggap. Baka lunurin ko lang siya sa pool or else barilin ko siya." Ayan umiral na naman ang kamalditahan niya.

"Grabe ka. Ni hindi mo nga kilala iyong tao eh."

"So what. Kahit hindi ko siya kilala, I know masama siya dahil sinaktan niya si Ate Ayesha. Eh diba sila ng Nanay niya ang witch sa buhay ni Ate Aye. Kaya nga siya napalayas eh. Basta kuya ayoko sa kaniya. Kaya halika na."

"Ikaw talaga." Ginulo ko pa ang buhok niya. Lumabas na kami para mahanap ang kasagutan.

Sana lang nagkamali lang ang mga tauhan namin. Sana... sana hindi siya. Sana... sana si Ayesha.

***

[Analy]

Abala ako sa pagkukutingting sa cellphone ko. Nakahiga lang ako sa kawayan naming sofa. Ang sakit sa likod. Bakit ba kasi hindi pa bumili si Mommy ng bagong sofa eh. Gusto ko iyong malambot. 'Yung katulad sa mayayaman. Bakit ba kasi pinanganak akong mahirap.

Natigil ako sa ginagawa ko nang makarinig ako ng katok sa pinto.

"Sandali!" sigaw ko habang bumabangon ako sa sofa.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon