Chapter 14: Issue

4.4K 101 1
                                    

CHAPTER 14: ISSUE

[Ayesha]

Pagkapasok-pasok ko pa lang ng gate ng University ay pinagbubulungan na ako ng mga estudyante. Puro negatibo ang mga naririnig ko. Nahihiya ako sa kanila. At nahihiya rin ako sa sarili ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso agad ako sa klasrum ko. Napahinto ako sa harapan ng pintuan ng klasrum namin nang makita ko ang lahat ng kaklase ko na nakatingin sa akin. Grupo-grupo sila sa upo nila. Mukhang natigil sila sa pagbubulungan ng makitang dumating ako.

"Here she is." Narinig kong mahinang sabi ni Violet kay Maecie habang nakatingin sa akin.

"Yeah. Ang landi talaga." sabi naman ni Maecie. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Para bang isa akong maruming babae kung tignan nila. Hindi ko na lang iyon pinansin.

Wala si Jacqueline na bestfriend ko. Sigurado akong late na naman iyon dahil napuyat sa kakapanood ng Goblin. Wala man lang akong kakampi.

Naupo ako sa upuan ko at kinuha ko na lang ang diary at ballpen ko. Nagsulat ako doon. Nagpasak ako ng earphone sa tainga upang hindi marinig ang bulungan nila. Masakit ang matawag na malandi.

Dear Diary,

I can't explain my feelings during this moment. Only I can say is I'm hurt. Hindi ko gusto ang mga naririnig ko. I know it's all my fault. Kung hindi ko inasar at pinahiya si Azell, this wouldn't happen. But, what should I do to stop this issue? I don't know how. Kung puwede ko lang burahin sa alaala ng tao ang lahat ng nakita nila sa stage gagawin ko. But I'm just an ordinary. A nobody. So how can I do that?  05-16-17

"Paging Ms. Ayesha Jane Mancera and Mr. Azell Sky Ezcadler, please proceed to the Dean's Office now. Again,  paging Ms. Ayesha Jane Mancera and Mr. Azell Sky Ezcadler, please proceed to the Dean's Office now. Naghihintay na sa inyo doon ang Dean." Narinig kong anunsyo sa speaker ng babaeng announcer mula sa paging booth ng paaralan.

At dahil doon, narinig iyon ng lahat ng estudyante. Ngayon alam na nila na pinapatawag na kami dahil sa eksenang ginawa namin sa stage kahapon.

"Lagot na siya ngayon."

"Buti nga sa kanya. Sana mapatalsik na siya sa eskwelahang ito."

"Yeah. Hindi siya nababagay dito."

Narinig kong bulungan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na ako ng silid na iyon. Habang naglalakad ako sa hallway ay napapatingin sa akin ang mga estudyanteng nadaraanan ko. Kung nakakamatay nga lang ang sobrang kahihiyan baka kanina pa ako namatay. Ay hindi, baka kahapon pa noong hinalikan niya ako.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit ako sa pintuan ng Dean's Office. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang door knob. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang knob. Habang palaki ng palaki ang bukas ng pinto ay palakas din ng palakas at pabibilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Come in." Pumasok ako ng tuluyan sa hudyat ng Dean.

"Have a seat Ms. Mancera." Nakangiti nitong alok at naupo naman ako.

"Hihintayin lang natin si Mr. Ezcadler."

"Okay po." Nakayuko lang ako at hindi makatingin ng deretso sa babaeng dean. Siya si Ms. Jowana Meyer ang Dean ng ekwelahang ito at siya din ang anak ng may-ari ng unibersidad na ito.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Azell. Nakauniform din siya at may headphone pa na nakalagay sa tainga niya. Hinubad naman niya ito at isinabit sa batok niya nang pumasok siya dito.

"Have a seat, Mr. Ezcadler." sabi ng Dean. Naupo siya sa silya. Magkaharap kaming dalawa at parang may imbisibol boundary sa pagitan namin.

"Alam kong alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito. Am I right?"

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon