Chapter 69: Darkdeath

2.4K 54 6
                                    

Azell Sky Ezcdler
Point of View

Nandito lang ako sa kwarto ko at nagkukulong. Wala si Ayesha, kasama si Sheneiah. Magmomall daw sila. Hinayaan ko na lang din. Isa pa may kasama na naman silang mga body guard.

Isa pa, magandang pagkakataon na rin ito para tuklasin kung sino si Darkdeath. Natigil ako sa pagtitipa sa laptop ko nang tumunog ang telepono ko.

"Oh Markuz, bakit ka napatawag?"

[Nasa labas ako ng bahay nyo. Sabihin mo nga sa mga tauhan mo papasukin ako.]

Halata ko sa tono ng pananalita niya na naiinis siya.

"Okay fine." Pinatay ko ang tawag at saka ko tinawagan ang tauhan namin na nakaassigned sa gate.

"Let Markuz Hernandez to enter."

[Masusunod po, young master.]

Ibinaba ko na ang telepono at nahiga na lang muna ako. Sino ka ba darkdeath? Bakit mo kami ginugulo?

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Markuz. Kahit naman hindi ako nakatingin alam kong siya iyon. Bigla niyang hinampas ng tiyan ko ng unan.

"Inaano ba kita't nanghahampas ka?"

"Bumangon ka nga dyan." Naupo ako sa kama.

Tapos mas nagulat pa ako sa sumunod niyang ginawa. Isinara niya lahat ng bintana pati na rin kurtina. Tanging ang liwanag na lang ng ilaw ng aking kwarto ang nagbibigay liwanag sa paligid.

"Bakit mo isinara ang bintana? Pati kurtina ibinaba mo pa."

"Sshh..." Nagsilence sign pa siya. Ano bang problema niya?

"Mag-iimbistiga tayo ngayon. Kaya wala dapat makarinig sa mga sasabihin ko."

"Huh? At bak--"

"Sshh... huwag mong kalakasan ang boses mo. May importante akong sasabihin sa'yo."

"Ano iyon?"

Sumeryoso ang mukha niya. Kaya naman mas naging kapanapanabik ang sunod na sasabihin niya.

"Gwapo ako."

"Wahahahaha! Nakakatawa iyong reaksyon ng mukha mo, pre."

"Tsk, tumigil ka nga. Akala ko pa naman seryoso ang sasabihin mo. Alam mo umuwi ka na lang sa inyo."

"At bakit ako uuwi? Ayoko nga."

Itinutulak ko na siya ngayon palabas ng kwarto ko. Ginugulo niya ako. Kahit kailan talaga...

"Umuwi ka na. Doon ka sa inyo... magsaing ka."

"Wahahaha! Opo, nay."

"Baliw!" Singhal ko.

"Pero alam mo pare, seryoso na ako. Mag-iimbistiga nga tayo ngayon." Sumeryoso naman iyong tono ng pananalita niya pati na rin iyong reaksyon ng mukha niya.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon