Chapter 45: Crumpled Paper

3.4K 75 0
                                    

[Ayesha]

"Ano 'to?" Napatakip na lang ang isa kong kamay sa aking bibig nang damputin ni Ma'am ang papel na pinagsusulatan namin ni Azell.

"Sino ang nagtapon nito dito?" Hala! Lagot. Galit na siya.

"Walang aamin. Sige titingnan natin at baka may pangalan."

Patay anong gagawin ko? Si Azell kasi eh, di ayusin ang pag-aabot.

"Mga kabataan nga naman. Hindi ba kayo marunong magtapon sa tamang basurahan. Mga pasaway kayo." aniya habang binubuklat ang papel.

Halata pang nagulat siya sa  nakita niya sa papel.

"Aba! At may nagsusulatan pa pala dito. Mr. Ezcadler at Ms. Mancera, anong kalokohan ito?"

Ayan na nga  bang kinatatakot ko eh.

"W-Wala po 'yan, Ma'am."

"Uyy! Ayiee.." Pang-aasar nila.

"Anong wala? Eh nagsusulatan kayo. At aba at loveletter pa itong huling nakasulat."

Love letter daw?

Ano ba kasing huling sinulat ni Azell?

"Mabasa nga. Dear Ayesha, Sana nagustuhan mo iyong bulaklak na ibinigay ko sa'yo kaninang umaga. Sana rin nagustuhan mo 'yong mga niluto ko. Sabay na tayo kumain mamaya ng lunch. Mahal na mahal kita.- Az."

"Whaaaa! Ayieee!"

Pagtitilian nila matapos basahin ni Ma'am ang loveletter na binigay ni Az.

Ang bad din ni Ma'am eh noh? Bawal kaya 'yon. Tsismosa rin siya eh. Sulat ng iba babasahin niya. Hindi naman para sa kaniya 'yon ah.

Siya na ba si Ayesha Jane Mancera. Eh di siya na. At talagang binasa pa sa harap ng klase. Bastusan lang po.

Kaya naman pala nalaman kung kanino iyon. Kasi naman may pangalan. Kasalanan mo 'to Az.

"Uy! Nagsusulatan pala sila ha. Hahaha!" Pang-aasar ni Joshua.

"Ang daya naman. Hindi man lang kami naupdate na nililigawan mo na pala si Ms. Commoner." sabi naman ni Harold.

"Ayieeee! Bagay ha. President at Vice-President sila pareho. Tapos Campus Prince and Princess pa. Perfect combination." Dumagdag pa 'tong si Jacqueline.

"Hindi sila bagay. Azell, from a wealthy family, and Ayesha, from squatters." -Violet.

"Yeah right. She's a commoner." -Maecie.

"Huwag ka nang umasa 'te. Ambisyosa kasi."-Shane.

Ayan na naman ang Campus Babes. Bumira na naman sa kanilang pambubully. Hayaan na lang natin. Ganyan lang talaga kapag naiinggit. Isa pa totoo naman ang mga sinabi nila. Squatter Girl ako at isang Commoner.

"Hahahahaha!" Pagtatawanan ng Campus Babes at napayuko na lang ako.

"Class quiet!" Natahimik naman lahat.

"Ms. Mancera and Mr. Ezcadler, what are you doing during my discussion? Writing a letter? A loveletter for each other. Aba't dito pa kayo nagliligawan sa klase ko." Pahamak ka Az. Pero ang romantic ha.

It's like a Filipino's Traditional Way of Courting. And honestly, I love it.

"Will you please explain, Mr. Ezcadler? Tutal ikaw naman ang pasimuno nito. Hindi kayo nakikinig sa klase ko at pagliligawan pa ang inaatupag niyo."

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon