Chapter 39: Beach Celebration

3.7K 84 0
                                    

[Ayesha]




Maaga akong nagising dahil sa tunog ng aking alarm clock. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Weekend naman at walang pasok pero kahit ganoon ay kailangan ko pa rin ang gumising ng maaga dahil paalis kami ngayon.

Oo paalis kami. Dahil sa pagkapanalo namin ni Azell sa pageant na iyon, nagdecide sina tita at tito na pupunta raw kami sa isang beach resort. At syempre imbitado ang ilang kaklase, kaeskwela, mga kaguruan, at malalapit na kaibigan.

And yeah. I'm so excited. Namissed ko rin ang dagat noh. Naupo ako sa kama at agad sumilay ng isang matamis na ngiti sa aking labi nang makita ko ang sash at korona na napanalunan ko sa patimpalak.

Until now, I can't imagine that I won the contest. It's like I'm still dreaming. Pero totoo. Nanalo ako. Sa sobrang saya ko ay tumayo na ko sa kama at naglilikyaw.

"Whaa! Ahhh!"

"Anong nangyayari sa'yo?" Agad akong natigil sa katatalon at kalilikyaw nang biglang dumating si Azell.

Mababakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Nakatayo na siya ngayon sa gilid ng kama ko.

"Ah wala. Masaya lang ako. Hehe."

Nahihiya kong sagot. Naihampas naman niya sa noo niya ang isang palad niya.

"Sus naman. Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa'yo. Nag-alala pa naman ako."

Hindi ko alam kung bakit. Pero nakaramdam ako ng kilig nang sabihin niyang nag-alala siya sa akin.

"Hehe. Sorry." Nagpeace sign ako sa kaniya.

"Bumaba ka na dyan. Baka mahulog ka pa. At saka pinasasabi nga pala ni Mommy na magbihis ka na raw at bumaba ka na agad."

"Sige. Magbibihis na ako."

Lumabas na siya pagkatapos nun. Ako naman ay dumeretso na sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Matapos iyon ay lumabas na ako ng banyo. Nagsuot lang ako ng leggings na black, tshirt na white, at may jacket na nakatali sa bewang ko.

Yeah I know. Hindi ito pambeach. Pero bakit? Hindi pa naman ako tatalon sa tubig ah. Hello? Babyahe pa po kami noh. Alangan namang nakaswimsuit na agad ako. At saka madaling araw pa lang. Malamig sa byahe. At saka kung magshoshort na agad ako. Ehem. Alam niyo naman, si Az. At saka wala akong short diba?

Nilabit ko na ang bagpack ko at bumaba na ako. Sa sala ay naabutan ko roon sina tito at tita. Nakabihis na sila. Mukhang hindi nila naramdaman ang presensya ko.

"Ehem." Tumikhim ako para malaman nila na nandito ako.

"Oh hija, mabuti at nakagayak ka na. Shall we go now?" sabi ni tita habang yakap-yakap pa rin siya ni tito.

Wow naman. Eh di kayo na ang sweet. Kakainggit.

"Sige po. Pero teka, nasan nga po pala si Az?"

"Nasa sasakyan na sila." tugon ni tita.

Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Sa sasakyan ay naabutan ko roon ang magkapatid na naghaharutan.

"Ayiee... Si kuya." Narinig kong pang-aasar ni Sheneia kay Az.

Natigil naman agad sila ng dumating kami. Umayos sila ng upo at si Azell naman ay nagkutingting sa cellphone niya.

"Ate Aye, dito ka na sa tabi ni kuya." Nakangiting sambit niya at ipinaubaya ang upuan.

"Ah okay." May pag-aalinlangan kong tugon. Nawiwirduhan na kasi ako sa mga magkapatid na ito.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon