Chapter 29: Welcome to Ezcadler Mansion

4.1K 86 0
                                    

[Ayesha]

"Woah." That words escape from my lips. Nakatanaw lang ko sa bintana nitong kotse. Napaawang na lang ang aking bibig nang makita ko ang dalawang guard na nakatayo sa magkabilang gilid ng isang malaking gate na may nakalagay na Ezcadler's Territory Nakasuot sila ng black suit.

Sumaludo sa amin ang dalawang gwardya at pagkatapos ay pinagbuksan kami ng gate. Pinasok ni Azell ang sasakyan sa loob. Kasalukuyan naming tinatahak ang malawak na driveway. May mga greek statue sa bawat gilid ng driveway, may fountain din na pagkaganda. Sa di kalayuan ay matatanaw ang napakalaking mansyon.

"Oh My Gosh."

Nawika ko sa sobrang pagkamangha ko sa laki at ganda ng bahay nila. Pero ano pa ba ang nakakapagtaka. This is a house of a mafia king. Bermuda grass ang buong paligid at kay daming ibon na nagliliparan.

Iginarahe ni Azell ang sasakyan sa garahe kasama ng mga sasakyang hindi ko mabilang kung ilan. Ang yaman nila sobra. Pero bakit niya ako dinala rito?

Bumaba na siya at saka umikot sa akin at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Hey!"

Paggising niya sa akin sa realidad. Napansin niyang nakatitig lang ako sa kaniya habang nakaawang ang aking bibig.

"Tulala ka."

"S-Sorry." Tinanggap ko na lang din ang kamay niya na inalok niya. Naglakad na kami papunta sa maindoor ng mansyon.

Pinagbuksan kami ng maid ng pinto matapos kumatok ni Azell. Sinalubong kami agad ng anim na maid. Nakahilira silang lahat sa magkabilang gilid. Pakiramdam ko ay prinsesa ako na iwinewelcome. Ay hindi pala, si Azell lang naman binibigyan nilang galang dito dahil siya ang anak ng mafia king. Extra lang ako.
Asa ka pa, Ayesha.

"Nasan sila Mom at Dad?"

"Nasa kusina po ang si Madame at si Master. Puntahan niyo na lang po sila, Young Master."

Magalang na tugon ng pinakamatanda sa kanila. Mukhang siya ang mayordoma rito. Nakaramdam ako ng hiya nang gumawi ang tingin niya sa kamay namin ni Az na magkahawak.

Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak ni Azell pero hindi ko nagawang kumalas dahil mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napaangat ako ng tingin kay Azell na nakatayo sa gilid ko. Hindi niya ako nilingon bagkus ay nakapokus lang ang tingin niya sa matandang babaeng kausap niya.

Napatingin naman ako sa matandang babae at ngumiti siya sa akin at alam kong totoo ang ngiti na iyon. Gumaan na ang pakiramdam ko.

Nagbow sila nang maglakad na kami papasok sa loob. Nakayuko lang sila hanggang sa malampasan na namin sila. Ganon ba talaga sila iginagalang?

Napakaganda ng mansyon. Halatang mamahalin ang mga gamit. Mga vase pa lang ay halatang milyones na ang halaga. Para itong isang palasyo sa ganda. Hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga sa paligid.

Nakakabano. Nagmumukha tuloy akong ignorante dahil sa mga nakikita ko.

Pumasok kami sa isang pinto. Ito na raw ang kusina. Sa kusina nadatnan namin doon ang mag-asawang magkayakap at masayang nagluluto. Nakaharap si Ma'am Thea sa niluluto niya habang hawak ang sandok at ang kaniyang asawa naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likod.

Hindi mapagkakaila ang pagiging sweet nila sa isa't isa. Napansin ko rin ang bulaklak na nakalagay sa tainga ni Ma'am Thea na mukhang bigay sa kaniya ng asawa niya. Kita ko kung gaano sila kasaya habang naghaharutan sa pagluluto.

Dinaig pa nila ang mga teenager sa kasweetan nila. Ni hindi na nga nila napansin ang pagdating namin. Hindi man lang nila naramdaman ang presensya namin. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang pinanunood sila.

Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak ni Azell sa kamay ko kaya naman napalingon ako sa kaniya. Deretso siyang nakatingin sa mga magulang niya. Napangiti ako nang makita ko ang ngiting gumuhit sa labi niya.

"Mom, Dad."

Agad namang napalingon sa amin ang mag-asawa. Mababakas pa sa mukha nila ang pagkagulat dahil sa pagdating namin.

Wow ang gwapo pala ng ama niya. Para akong nasa panaginip habang pinagmamasdan ko ang dalawang taong maganda't gwapo na nasa harapan ko. Kamukha ni Azell ang ama niya. Malamang, mag-ama. Ang hina mo rin, Ayesha.

Naglakad si Azell palapit sa kinaroroonan nila at syempre hinatak niya ako. Nakaramdam ako ng hiya. Lalo na't mayayaman at makapangyarihang tao ang kaharap ko ngayon.

Mababakas sa mukha ng mag-asawa ang labis na pagtataka. May pasok kami sa school kaya nakapagtataka talaga na nandito kami.

Bumaba ang tingin nila sa kamay namin ni Azell na magkahawak. Nakaramdam ako ng kaba at higit sa lahat hiya. Alam kong nagtataka sila kung bakit magkahawak kamay kami ng anak nila.

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak ni Azell pero agad din niyang binawi ang kamay ko at hinawakan ito ng mas mahigpit. Para bang ayaw na niya akong pakawalan.

"Mom, Dad, mula po ngayon ay dito na titira si, Ayesha."

Nagulat ang mga magulang niya sa winika ni Azell. Maging ako ay nagulat din. Ang akala ko ay may kukunin lang kami dito. Iyon pala ay dito na ako titira.

Napatakip pa ng bibig si Ma'am Thea dahil sa labis na pagkagulat sa sinabi ng kaniyang anak. Ang kaniya namang mister ay nakatayo lang sa gilid niya at nakayakap sa bewang ni Mrs. Ezcadler.

"Mom, are you okay?" tanong ni Az sa kaniyang ina nang mapansin siguro nitong tulala ito.

"Nakabuntis ka?" Pasigaw na tanong ni Mrs. Ezcadler na halos umecho sa apat na sulok ng kwarto.

Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Iniisip niya na kaya ako dinala dito ng anak niya dahil nabuntis ako nito. Hindi naman ganon iyon eh.

Total: 923 Words

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon