[Ayesha]
Lunch Break ngayon kaya kasalukuyan kong ginagawa ang misyon ko. Ini-stalk ko si Baklang Ahas. Kailangan kong makahanap ng matibay na ebedensya para mapatunayan kong bakla talaga siya.
Kanina pa lang sa klase ay minamanmanan ko na siya. Hindi alam ng mga kaibigan ko ang tungkol dito. Ako lang ang tanging nakakalam nito. Kaninang recess ay niyaya ako mga sisteret na manood ng basketball practice at syempre di ako tumanggi. Inoobserbahan ko sina Markuz at Azell at napansin kong sobrang malapit sila sa isa't isa.
At ngayon ay nandito ako sa likod ng puno at nakatago. Pinapanood ko kasi sina Azell at Markuz at aba magkaakbay pa ang dalawa. Ang lalandi nila. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na ipinagpalit ako ni Markuz sa isang baklang ahas.
"Ay!" Naibulalas ko pero agad ko namang natakpan ng kamay ko ang bibig ko para mapigil ang pagsigaw ko dilikado kasi kapag may nakarinig sa akin. Baka mabuko ako nito. May bigla na lang kasing gumitla sa akin mula sa likod ko. Wala na akong ibang magawa kundi lingunin ang gumitla sa akin at nakita ko si Jacqueline at abot tenga ang ngiti niya.
"Hi bess." Nakangisi niyang sabi. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Bess naman, bakit mo ba ako ginugulat? " Dismayado kong tanong.
"Hehe sorry. Magpapasama lang kasi sana ako sa'yo na bumili ng pagkain sa canteen. Huwag kang mag-alala ililibre naman kita." sabi niya.
"Okay fine. Tara. Basta ilibre mo ako ha."
"Oo ba." Nagpunta na kaming dalawa sa Canteen. Kung hindi lang talaga ako ililibre ng babaeng ito, hindi talaga ako sasama. At kung hindi lang talaga ako gutom hindi ako sasama sa kaniya dahil naaabala ang pag-iimbistiga ko. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na makakain ng libre.
[Azell]
Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayon. Pakiramdam ko ay may nagmamanman sa bawat kilos ko mula nang pumasok ako sa pinto ng klasrum ko mula pa kaninang umaga.
Sa totoo lang hindi ko gusto ang pagiging class president. Pero wala akong magagawa dahil ako ang ninomina ng mga kaklase ko. Kaya kong pamunuan ang buong klase. Pero wala ako sa mood para maging pinuno. Si Ayesha ang aking bise-presidente. Ang sama nga ng tingin niya sa akin noong pinagkamay kami ni Sir matapos naming manalo noong botohan.Honestly, she's really cute and smart. Pero kahit ganon ayaw ko pa rin sa kaniya. Palagi niya kasi akong inaaway. Minsan may time na mabait siya sa akin. Minsan naman parang lalamunin niya ako ng buo kung makatingin siya. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang mga katwiran niya. Wala na lang akong ibang ginawa kung hindi ang iwasan siya. Ang hindi pansinin ang mga pang-aasar niya.
[Ayesha]
Mission ongoing! Kakatapos lang ng klase ko sa hapon at imbes na nasa bahay na ako ay heto ako ngayon sa Mall at ginagawa ang misyon ko ng mag-isa. Minamanmanan ko kasi si Azell. Paglabas pa lang niya ng room ay sinundan ko na siya hanggang sa parking lot ng University.
Ang ganda ng kotse niya. Kulay itim na BMW. Sumakay na siya sa sasakyan niya at nagdrive palabas ng University. Ako naman ay dali-daling lumabas ng University at pumara ng taxi. Pinasundan ko sa taxi cab ang kotse niya hanggang sa nakarating kami sa Mall at doon na ako bumaba at sinundan ng palihim si Azell na papasok ng mall.
Kaya ito ako ngayon at parang asong nakasunod sa kaniya ng palihim. Nagtatago ako sa tuwing lilingon siya sa likuran niya. Buti na nga lang at hindi niya ako nakikita. Syempre magaling kaya akong magtago. Sumakay siya ng escalator paakyat sa ikatlong palapag kaya sumakay din ako ng escalator. May suot naman akong cap kaya hindi niya ako makikilala.
Pagkatapak niya sa ikatlong palapag ay diretso siyang naglakad papasok sa... aba! At sa Ladies Department siya pumasok. Kita mo nga naman ang pagkakataon oh. Kung sinuswerte ka nga naman. Sinundan ko si Baklang Ahas papasok ng Ladies Department. Nagtatago ako sa likuran ng mga lagayan ng mga damit na nakahanger sa tuwing napapalingon siya sa likuran niya. Sa nakikita ko naman ay hindi siya naghihinala na may sumusunod sa kaniya.
Nagtago muna ako sa likuran ng isang manikin at pinanood ang susunod na gagawin ni Azell. Nakatayo kasi siya sa harapan ng tindahan ng mga woman garment. Nakatingin siya sa mga nakadisplay na undies at bra. Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang pagkagulat ng makita kong hinawakan niya ang isa sa mga bra.
OMG! Bibili siya ng bra. Kinuha ko agad ang cellphone ko at kinuhaan ng litrato si Baklang Ahas na bumibili ng kulay pulang bra. Ang taray talaga at nagawa pang bumili nun. Feeling naman niya may ipanglalaman siya dun. Assuming din eh. Ano ipapalaman niya sa bra na iyon? Foam? Papel? Ayos rin.
Kinuhaan ko siya ng litrato at pagkatapos nun ay isinilid ko na agad sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko. Friday ngayon kaya nakafree style ako. Kapag friday kasi free style kami. Sa tingin ko ay sapat na ebedensya na ang litratong nakuha ko para mapatunayan na bakla talaga ang Campus Crush na si Azell Sky Ezcadler.
"Ay!" Naibulalas ko. Pagpihit ko sa likuran ko ay nakita ko si Baklang Ahas na nasa harapan ko na. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sana lang hindi niya ako nahuli. Kung hindi lagot na talaga.
"Sinusundan mo ba 'ko?" Kunot niyang tanong.
"H-Hindi ah. Saka bakit naman kita susundan? Ano ba ang paki ko sa'yo? Wala naman di ba?" Pasimple akong napatingin sa paper bag na hawak niya. Sigurado akong laman nun ang bra na binili niya. Hindi na siya nahiya.
"So what are you doing here?" He asked.
"Anong ginagawa ko dito? Syempre namimili. Nagshoshoping, naggagala. Mall nga ito di ba. Eh ikaw anong ginagawa mo dito sa Ladies Department?" tanong ko at inemphasize ko pa ang salitang ladies department. Kunwari hindi ko alam na nakita ko siyang bumibili ng bra.
"M-May binili lang ako. Sige mauuna ako. Bye. I need to go." Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Napangiti naman ako dahil sa wakas magagawa ko na ang pinaplano kong pagpapahiya sa kaniya. Wait for my biggest sweet revenge Azell Sky Ezcadler. Matitikman mo ang pait ng ganti ng isang nasaktang Ayesha Jane Mancera.
Total: 1, 057 Words
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Fiksi RemajaInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...