Markuz Hernandez
Point of ViewHindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Napatayo ako at hinarap siya. Nagkaturuan pa kami. Bakit siya? Pinaparusahan ba ako ng langit?
Bakit ang nerd pa na ito? Oo siya nga. Siya iyong babaeng nerd na palagi kong nakikita sa school library. Iyong babaeng nakabangga ko noon. Si Pangerd.
"Magkakilala kayo?" tanong ng Ginang.
"Yes, Mom. I know him. He is Markuz Hernandez. The Campus Playboy." she crossed her arms.
Aba't siya pa ang nag-inarte ah. Kapal niya. KJ pa siya. Eh diba dapat ako pa ang mandiri?
"And I know her, she's pangerd."
"What's pangerd, son?" My mom asked curiously.
"Nothing Mom." Baka makagalitan ako ni Dad eh.
"Mom, ayokong magpakasal sa lalakeng iyan!" Itinuro pa niya ako.
Aba't KJ pa siya. Hindi siya maganda kaya wala siyang karapatang mag-inarte.
"Mas lalo namang ayaw kong magpakasal sa'yo!" Napagtaasan ko na siya ng boses.
Sa lahat ng babae, bakit ang pangerd na ito pa? Ang malas ko naman oh. Nagsimula na kaming magtalong dalawa. Para kaming bata na nagbabangayan. Napatakip na rin ng tainga ang mga ina namin.
"Enough!" Natigil kami sa pagtatalo ni pangerd dahil sa boses ni Dad.
Tila nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto. Walang naglakas loob na magsalita.
"That's final. Ikakasal kayo pagkagraduate ninyo ng college. At pagkatapos niyon magmemerge na ang mga kompanya natin. The decision is final. Hindi na kayo pupwedeng umatras. Noon pa namin naplano ang engagement na ito." Seryosong sambit ng aking ama.
"Pero ayoko sa babaeng iyan!"
"Mommy, mas ayoko sa kanya. Hindi ko nga siya mahal eh. Kaya bakit ako magpapakasal sa lalakeng iyan?"
"Babygirl, pumayag ka na. Para rin naman ito sa kinabukasan mo." sabi ng Ginang sa kanyang anak.
"Para sa kinabukasan ko? O, para sa kinabukasan ng kompanya? You're so unfair, Mom, Dad. Gumawa kayo ng desisyon ng hindi man lang ako kinukonsulta."
"But this is your fathers want."
"But I don't want this!"
"Wala ka nang magagawa, hija. Nagdesisiyon na kami at ikakasal kayo sa ayaw niyo't sa hindi." wika ng ama ni pangerd. Naikuyom ko na lang ng mariin ang aking kamay. Kilala ko si Dad alam kong hindi na magbabago ang pasya niya.
"Ahm, gusto ko munang ipakilala sa inyo ang aming anak. This is our daughter Christine Hyrene Delveña." Pakilala ng Ginang sa kanyang anak.
Kung ganon Christine Hyrene Delveña pala ang pangalan ng nerd na ito.
"Syanga pala, mula bukas sa condo mo na titira si Christine."
Pareho kaming nagulat sa sinabi ni Dad.
"No! Hindi ako papayag. Bakit sa akin pa siya kailangang tumira? May bahay naman siyang mauuwian ah." Pagtutol ko.
"Oo nga po. Isa pa ayokong makasama ang lalakeng iyan sa iisang bubong. Baka kung ano pang gawin niyan sa akin eh." Ang arte niya ah.
"Ang arte mo. Huwag kang assumera. Hindi ako magkakainterest sa mga katulad mo! Magaganda lang ang nakikita ng mata ko. Kaya huwag kang mag--"
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...