Analy Salcedo Point of View
Panay lang ang pagsayaw ko sa dance floor. Only I can heared is the loud music of this bar and the cheer of every people here. Mga wild na ang taong kasama ko sa dance floor.
Hawak ng isang kamay ko ang isang baso ng alak at umiinom ako habang sumasayaw ng mag-isa. Gusto kong makalimutan ang problema ko. Ay hindi-- gusto ko nang mamatay.
Yeah, I want to die now. Lugmok na lugmok na ako sa problema. Alam ko naman na may mali akong nagawa. Pero hindi niya dapat ako pinahiya. Hindi dapat!
Sinabayan ko lang sa paggiling ang ritmo ng musika. I don't mind the people behind me. Amoy alak ang mga tao sa paligid ko.
Napatigil ako sa pagsayaw nang may biglang bumangga sa akin. Kaya naman natapon sa kamay, braso at damit ko ang alak na iniinom ko.
Nilingon ko ang lalakeng tumabig sa akin. Natigil siya sa pagsayaw nang titigan ko siya ng matalim.
"A-Analy?"
"Derick?" Kung minamalas ka nga naman talaga. Sa lahat ba naman ng makikita ko iyong ex ko pa.
Aalis na sana ako roon pero pinigilan niya ako.
"Hey, sayaw muna tayo."
"Wala na akong gana."
"Inom na lang tayo. Sagot ko."
Naisip ko na alak na lang ang tanging makakabura sa problema at sakit na nararamdaman ko. Kaya tinanggap ko ang alok niya.
Pumwesto kami sa bar counter at naupo sa isang stool. Umurder siya ng tiquilla at iniabot sa akin.
"Cheers." sabi niya at pinagdikit ang baso namin. Ininom ko iyon at napapikit pa ako nang maramdaman ko na parang humahagod iyon sa lalamunan ko.
"You're alone here. May problema ka noh?"
I rolled my eyes.
"It's none of your business." Pagmamaldita ko.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko ang nagtext. Si Mommy...
Binasa ko ang madrama niyang text message.From: Mommy
Anak, uwi ka na. Miss na kita. Sorry sa nangyari kanina. Mag-usap tayo. Nasan ka na ba? Nag-aalala na ako sa'yo. Gabi na anak baka kung anong mangyari sa'yo. Mahal na mahal kita anak.Hindi ako nag-abalang replyan ang aking madramang ina. I just rolled my eyes. Ibinalik ko na sa bag ko ang cellphone ko.
Hindi niya ako madadaan sa drama niya. Whatever!
"Oh, inumin mo." Inabot niya sa akin ang isang shot ng tiquilla, na agad ko rin namang ininom.
Nasundan pa iyon nang nasundan. Medyo nanlalabo na ang paningin ko. Nahihilo na rin ako.
"Lasing ka na, babe. Ihatid na kita." Kahit lasing ako naririnig ko pa si Derick. Of course, lasing lang ako at hindi bingi.
"Huwag na, hayaan mo na lang ako dito. Isha pa *hik* wala na akong mauuwian. Sho tabi." Tumayo ako at tinabig ko pa siya.
Pero bigla akong nawalan ng balanse. Agad naman niyang nasalo ang likod ko kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Napatitig ako sa mga mata niyang tila ba inaakit ako.
Inaamin ko, minahal ko rin ang lalakeng ito. Pero hindi ko alam kung minahal niya rin ba talaga ako.
Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ko ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Novela JuvenilInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...