CHAPTER 10: PART TIME JOB
[Ayesha]
Napatingala ako sa mataas na gusali na nasa harapan ko ngayon. Ang Booker Publishing House. Labit-labit ko ang isang brown envelop at isang folder. Plano kong mag-apply ng trabaho dito bilang isang part timer. Naghahanap daw kasi ang ilang writers dito ng secretary. Sa nalaman ko mula sa internet at sa mga kaibigan kong sina Frans, jacqueline at Hanna apat ang writers na naghahanap ng secretary. Sana nga may vacant pa sila at higit sa lahat sana matanggap ako.
Kailangang-kailangan ko lang kasi talaga ng trabaho. Alam kong scholar na ako ng school at wala na akong puproblemahin. Pero mas mabuti na rin na may sarili akong pera. Para kung sakaling kuhain ulit ni Auntie ang allowance ko o palayasin kami may pera na ako.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papasok sa gusali. Hinanap ko ang front desk at nagtanong sa babaeng nakaasign doon.
"Excuse me, Miss." Napatingin naman sa akin ang babae.
"What can I do for you, Ma'am?" Magalang nitong tanong.
"Ahm, balak ko kasing mag-apply naghahanap daw kasi ng secretary ang ilang Writers niyo dito. May bakante pa bang trabaho para sa akin?" Binuklat ng babae ang ilang pahina ng notebook niya. Mukhang tinitingnan niya kung mayron pang slot para sa akin.
"I'm sorry Miss. Pero wala na. May nakuha ng secretary ang apat na Writers namin. Close na ang hiring. Hanap ka na lang sa iba." Nalungkot ako sa sinabi ng babae.
"Ganon ba. Sayang naman. May alam ka bang naghahanap ng assistant o secretary? Kailangan ko lang kasi talaga ng trabaho eh." Nagbabakasakali ako na makakahanap ako ng trabaho.
"Pasensya na Miss pero wala akong alam eh." Mas nalungkot ako sa sinabi niya. Ito na ang panglimang trabaho na sinubukan kong aplayan ngayong araw na ito. Sinubukan kong mag-apply sa mga fast food restaurant, pati na rin sa mga burger stand. Pero wala eh, hindi ako natanggap. Lumabas na ako ng gusaling ito ng malungkot at bigo. Sayang wala na palang bakanteng trabaho.
Paglabas ko ng gusali ng Booker Publishing ay naramdaman ko agad ang matinding init dulot ng mataas na sikat ng araw. Umoy usok ng mga sasakyan ang aking naaamoy. Mukhang mapupuno yata ako ng pulusyon ngayon. Sabagay, lagi namang polusyon ang nalalanghap ko. Sanay na ako.
Habang naglalakad ako pinagmamasdan ko ang mga taong nasa paligid ko. May bata, may matanda, may mga kabataan, may mga magulang, may magkasintahan, at may mag-isang tulad ko. Sa aking pagmamasid ay nahagip ng mata ko ang isang babae na palabas ng coffee shop. Agad akong humanga sa angkin niyang ganda.
Sa obserbasyon ko nasa mid thirty na siya. Nakasuot siya ng kulay pulang fitted dress na above the knee. Kita ang magandang kurba ng kaniyang katawan. Mahaba ang kaniyang kulay brown na alon-along buhok. Halatang mayaman siya. Natigil ako sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang magandang babae.
Tumigil siya sa tabi ng kalye at may kinuhang cellphone sa loob ng bag niya. May sinagot siyang tawag. Halata sa kilos niya ang pagiging propesyonal. Hindi mawadlit sa isip ko na isiping sana ako na lang ang babaeng iyon.
"Magnanakaw!" Para akong nagising sa pantasya ko nang makita ko ang babaeng hinahangaan ko na nagsisigaw. May nagnakaw ng cellphone niya. Nakita ko ang snatcher na tumatakbo palapit dito sa kinaroroonan ko. Tumawid kasi siya ng kalsada kaya napunta siya dito sa dereksyon ko.
Hindi ko alam pero kusang kumilos ang mga paa ko patungo sa snatcher. Hinabol ko ang snatcher. Naghabulan kaming dalawa hanggang sa naabutan ko siya. Hiniklas ko ang damit niya at sinipa siya. Hindi niya iyon inasahan kaya natumba siya sa pagsipa ko sa kaniya. Napaupo siya sa sahig at tila nagmamakaawa na huwag ko siyang saktan.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...