Chapter 32: Pagsasanay

4.1K 84 1
                                    

[Ayesha]

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon na naririnig kong nagliliparan sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumangon ako mula sa aking malambot na kama.

Nag-unat-unat muna ako at saka dumungaw sa malaking bintana. Napangiti ako nang makita ko ang kagandahan ng lugar. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ko dahil ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari ang lahat ng ito.

Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nandirito sa side table. Ala sais na ng umaga. Sabado naman kaya walang pasok.

Pero teka... Oo nga pala muntik ko nang makalimutan may pagsasanay nga pala ako ngayong araw na ito. Pero ano naman kaya iyon?

Ano ba 'yan tama na nga ang pag-iisip. Malalaman ko rin naman mamaya. Sasakit lang ang ulo ko dahil sa kakaiisip.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa banyo na nandirito sa loob ng aking kwarto.

At tulad ng inaasahan malawak at maganda ang banyo nila. Nahahati ito sa dalawa isang comport room at isang bathroom. Kasing luwang na nga ito ng kwarto ko. 

Banyo lang ito pero daig ko pa ang isang taga bundok na nababano. Nakakaloka. Bawat detalye ng banyo tinitingan ko. Nakakahiya man na aminin pero oo, nababano na nga siguro ako. 

Humarap ako sa lababo at saka naghilamos at nagsipilyo. Lumabas na ako roon at nagsuklay. 

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusuklay nang bigla kong maalala na wala pa nga pala akong damit. 

Wala akong kadala-dala noong lumayas ako sa amin. Ano ng isusuot ko?

Natigil ako sa panunuklay nang may biglang kumatok. Agad akong nagtungo sa pintuan at pinagbuksan ang kumakatok.

Bumungad sa akin si Merian ang isa sa mga maid na nagsisilbi sa pamilya Ezcadler. Sa pagkakaalam ko 21 lang siya. 

"Pinabibigay ni Young Master. Isuot mo raw." Napatingin ako sa hawak niyang damit na nakatiklop.

"Ah sige salamat." Tinanggap ko ang iniaabot niya.

"At saka pala pinasasabi ni Young Master na pagkabihis-bihis mo raw, puntahan mo raw siya sa swimming pool area." 

"Bakit daw?" Nagkibit balikat lang siya.

"Sige na. Magbihis ka na. Ang swerte mo." Pilya niyang wika at saka ngumiti ng nakakaloko at kinindatan pa ako.

Umalis na siya at ako naman ay pumasok na lang din sa loob. Mabait si Ate Meriam. Sa maikseng panahon ay naging malapit kami sa isa't isa. Halos magkaedaran lang din naman kami kaya naman siguro napalapit agad ang loob ko sa kaniya.

Mabait naman siya at masarap kasama. Kaya nga hindi kami pormal mag-usap. Hindi katulad noong ibang maid na kahit dekada na ang tanda sa akin eh Miss pa rin ang tawag sa'kin.

Mas gusto kong tinatawag ako sa pangalan ko. Ayaw ko ng special treatment. Hindi ako sana'y noh.

***

Nandito na ako sa harapan ng isang malaking salamin at pinagmamasdan ang aking sarili suot ko ngayon ang isang long sleeve na round neck. Kulay itim ito at simple lang ang desenyo. May hood din ito. May katerno itong jogging pants na black din. Halos all black ako.

Napangibit ako sa harap ng salamin.

Nge! Ano naman ang pinagkaiba ng damit na ito sa pantulog na suot ko kanina? Kulay at klase lang naman ng tela ang nagbago eh. 

Si Azell talaga. Ano naman kaya ang iniisip niya at ito pa ang naisip ipasuot sa akin?

Sa porma ko ngayon kamay at mukha na lang ang makikita sa akin. Pero okey na rin. Mas maalwan akong makakakilos dito sa suot ko.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon