Chapter 71: Beginning

2.5K 41 1
                                    

Azell Sky Ezcadler
Point of View

Alasais na ng umaga. Naalala ko na may pasok nga pala. Lunes ngayon kaya naman ayokong mahuli sa klase. Kaya naman dali-dali akong bumaba. Sa may hagdanan pa lamang ay langhap na langhap ko na ang mabangong amoy ng nilulutong batid kong nagmumula sa kusina.

Nakangiti kong sinundan iyon at nadatnan ko roon ang isang nakatalikod na Diyosa. Nakaharap siya sa kalan at hinahalo ang niluluto niya. Nakapuyod ang buhok at may suot na apron. Isang napakagandang Diyosa na nagbibigay saya sa buhay ko... ang Mommy ko. Syempre biro lang... si Ayesha syempre. Mahal ko iyon eh.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya ngunit mukhang hindi niya man lang naramdaman ang presensya ko. Niyakap ko siya kaagad. Ipinatong ko ang baba ko sa kanang balikat niya at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kahit nakatalikod siya alam kong napangiti siya.

"Ano 'yan?"

"Huh?" Kunot noo kong tanong.

"Ang ibig kong sabihin bakit ka nangyayakap?"

"Bakit bawal na ba yakapin ang Girlfriend ko?"

Kahit hindi niya sabihin alam kong kinikilig siya. Eh nanginginig na nga  iyong hawak niya sa sandok eh. Napangiti ako nang may nakakalokong pumasok sa isip ko. Maasar nga. Napaigtad siya nang gawaran ko siya ng isang mabilis na halik sa kanan niyang pisnge. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. At panigurado ang pula na ng mukha nito. Natigilan pa siya sa paghalo sa niluluto niya. I'm excited to see her tomatoe like face.  And also to tease her.

***

Ayesha Jane Mancera
Point of View

Ayan na naman si Azell sa mga damoves niya. Hindi ako makaharap sa kanya dahil alam kong ang pula pula na ng mukha ko. Nakayapak pa rin siya sa akin. Iyong puso ko para ng may banda. Napaigtad ako nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa pisnge. Natigilan pa ako sa paghahalo sa niluluto ko.

Nakaramdam ako ng inis nang marinig ko ang mahina niyang hagikhik. Ngayon alam ko nang inaasar niya lang ako. Nakakainis! Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Tinitigan ko siya ng masama pero siya ito't kalmadong-kalmado. At nakakaasar iyong ngiti niya ha.

"Bakit mo iyon ginawa? Para ba asarin ako?" Napagtaasan ko na siya ng tono.

"Bakit nabitin ka ba? Gusto mo ituloy natin?" sabi niya sa mapang-akit na tono.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Humakbang siya ng isa palapit sa akin. Hindi ko naman magawang umatras dahil baka dumikit ako sa kalan. Natulala na lang ako at tila hindi makakilos. Naramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko, pagkatapos ay inilapit sa mukha ko ang mukha niya.

Halos isang pulgada na lang at maglalapat na ang mga labi namin. Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa may bandang ilong ko. Napalunok na lang ako ng laway sa tensyon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko. Tapos naramdaman ko na niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Agad naman akong napamulat.

"Ang sarap mo talagang asarin."

Hinampas ko siya sa dibdib at saka sinimangutan. Tumawa lang siya ng nakakaloko. Sapakin ko itong lalakeng ito eh.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon