Chapter 7: Class Election

4.4K 110 0
                                    

[Ayesha]

"Nandiyaaaan na si Proooof!" Narinig kong mahabang sigaw ng kaklase kong lalake na papasok pa lang dito sa klasrum. Siya ang watcher ng section namin. Ang pagsigaw niya ay senyales na parating na si Prof. Tuwing walang teacher magugulo ang mga kaklase ko. Para silang mga high school student. Nagkukulitan, nagkukwentuhan, at nagbabatuhan ng papel. Agad nagsikilos ang lahat at nagsibalikan sa kanikanilang mga upuan. Dumating si Proffesor Arthur na tahimik ang lahat. Nakaupo ng maayos at parang walang nangyari.
Mga estudyante nga naman.

"Good Morning Sir." Magalang na bati ng mga ito habang nakaupo. Gagaling umarte ng boys parang walang nangyari. Kunwaring mababait na estudyante.

"Good Morning to all." Pabalik na bati ni Sir. Pumwesto si Sir sa unahan ng front desk niya.

"Okay class as your adviser today we will having our class election for our new class officers. So are you ready to choose a new leader?" Nag-ingay agad ang mga estudyante. Halatang lahat sila ay excited para sa botohan. Nag-apiran pa ang  mga lalake. Sana lang hindi nila bang-awin ang election. Kabisado ko na sila. Magnonominate at iboboto. Gagawing biro ang botohan.

"Okay we will having a pormal election. So who wants to nominate?" Pagsisimula ni Sir. Agad tumaas ng kamay ang isa kong kaklase na si Dara.

"Yes Dara." Proffesor said and Dara stood up with full of confidence.

"To all of you good morning. I respecfully nominate Mr. Azell Sky Ezcadler for class president." Nagtilian agad ang mga babae matapos niyang magnomina. Sinaway naman sila ni Sir at nagsitigil sila. Sinulat ni Sir sa white board ang pangalan ni Azell sa President Nominies.

"Okay Azell. Any nomination?" Nagtaas ng kamay ang isa sa pinakapasaway kong kaklase. Tumayo na siya at nagsalita. Panigurado gagawin na naman nilang biro ang eleksyon. Hay! Mga kabataan nga naman.

Umapir muna ang lalaking tinawag ni Sir sa isa naming kaklase bago ito magsalita.

"I nominate Carlos De leon for president." Pagnomina nito na may halo pang  pagtawa. Halatang hindi seryoso. Pati nga si Sir eh mukhang hindi satisfied. Pero wala siyang magagawa dahil ninomina ang pasaway niyang estudyante kaya si Sir ayun sulat na lang sa board.

"Ah o-okey Carlos nominated. Any nomination?" Nagtaas ng kamay ang isa kong kaklase. Isa ring scholar tulad ko.

"Yes Miss De Jesus." Tumayo ang kaklase ko sa signal ni Sir.

"I respecfully nominate Ms. Ayesha Jane Mancera for President." Para akong nagising mula sa kaantukan nang marinig kong may nagnomina sa akin. Sa totoo lang kasi gusto ko talagang maging class president. Noon parang ayoko pa. Pero noong nanomina na si baklang ahas gustong-gusto ko na. Baka kasi kapag nanalo siya at naging President baka pahirapan niya ako.

"Okay Ms. Mancera nominated. Any nomination?"

"I move the nomination be close."

"I second emotion."

"Okay now let's procced to our voting." Announce ni Sir.

"Thirthy kayo dito sa klase. So who wants to vote for Azell for President?" Nagsitaasan ng kamay ang mga estudyante. Ako naman ay ito nakayuko at magkadaop ang mga palad at taimtim na nanalangin. Mamaya na lang ako tataas sa akin.

God please sana po manalo ako. Ayokong si Azell o ang Carlos na 'yan ang maging presidente ng klase. Mas mabuti na kung ako. Gusto ko rin kasing matulungan ang mga katulad kong scholar sa klaseng ito. Mabuti naman po ang intensyon ko diba kaya sana manalo ako. Please, please, please, sana manalo ako.

"Who wants to vote for Carlos?" Narinig kong tanong ni Sir. Hindi ko alam kung ilan ang tumataas nakayuko kasi ako at nakapikit.

"Who wants to vote for Ms. Mancera." Agad akong tumaas ng kamay matapos magtanong si Sir. Subalit nananatili akong nakayuko at tahimik na nananalangin.

"Okay voting line are officially close. Now lets count the votes." Tumunghay na ako matapos iyong sabihin ni Sir.

"Okay lets start to Mr. Ezcadler, he got 13 votes, Mr. De leon got 5 votes, and Ms. Mancera got 12 votes. So our new president is Mr. Ezcadler." Oh no!  Natalo ako. Ang daya isa lang ang lamang. Umekstra pa kasi ang Carlos na 'yan eh. Iyong mga barkada niya lang naman na bully at pasaway ang bumoto sa kaniya. Lima lang sila sa grupo kaya lima lang ang bomoto sa kaniya. Binilugan na ni Sir ang pangalan ni Azell bilang bagong presidente ng klaseng ito. Nagtitilian naman ang mga babae dahil nanalo ang crush nila. That was so unfair. Pakiramdam ko dinaya ako.

"Okey class, dahil si Mr. Ezcadler ang nanalo sa botohan siya na ang bagong Presidente ng ating klase, at dahil si Ms. Mancera ang pumapangalawa sa kaniya si Ms. Mancera ang ating bagong Vice-President. Mr. Ezcadler at Ms. Mancera please procced here in front." Mabigat ang paa kong naglakad papunta sa unahan ng klase. Ngayon ay nagkaharap muli kami ni baklang ahas. Nasa pagitan naman namin si Sir. Ang seryoso ng mukha niya. Ni hindi siya ngumingiti.

"Sige magkamay kayo para sa pagtitibay ng inyong titulo at pwesto." Utos ni Sir. At kahit ayaw namin ay nagkamay kaming dalawa. Habang hawak ko ang kamay niya ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya. Inisnaban ko naman siya at tumaas naman ang isang sulok ng labi niya. Nagbitaw na kami sa pagkakahawak sa isa't isa pagkatapos nun.

Nagpalakpakan ang lahat sa klase. Ang iba ay nagtilian pa. Nagpatuloy na ang eleksyon at nakabuo na ng mga bagong class officer. Si Jacqueline ang aming Secretary. Matapos manalo ng mga nanomina ay pinapunta kaming lahat ni Sir sa unahan at pinagpakilala isa-isa sa unahan ng klase. Iyong maldita ko nga pa lang pinsan na si Analy ang aming Muse. Kaloka!

Total: 946 Words

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon