[Ayesha]
Nandito ako sa sala at inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa school. Sa wakas araw na ng Biyernes, wala ng pasok bukas. Nakakasawa rin kayang gumising ng maaga. Lalo na kung antok ka pa tapos kailangan mo nang bumangon at maggayak sa pagpasok. Sa wakas bukas makakatulog na ako ng maayos at pwede na akong magpatanghali ng gising.
Natigil ako sa ginagawa ko nang makarinig ako ng katok sa pinto. Inayos ko muna ang suot kong school uniform bago ako naglakad palapit sa pintuan upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok na iyon.
"Sandali lang!" Sigaw ko habang palapit ako sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay isang Diyosa ang bumungad sa akin. Oo isang Diyosa. Ganyan ko idescribed si Samantha.
Nakangiti siya sa akin at alam kong totoo ang ngiting iyon. Kaya naman nginitian ko na lang din siya pabalik.
"Pasok ka?"
"Naku huwag na. Hindi rin naman ako magtatagal eh. Si Azell nga pala?"
"Naliligo pa siya eh. Gusto mo tawagin ko?"
"Naku huwag na. Alam kong may pasok kayo. Ayaw ko rin naman na mahuli kayo sa school. Pakibigay na lang ito sa kaniya."
May iniabot siyang invitation card na agad ko namang tinanggap. Binasa ko ang nakasulat doon.
"Birthday mo bukas?"
"Oo. Ito para sa'yo. Sana makapunta ka. At saka ito naman kila Tito at Tita at ito naman para sa mga kaibigan mo na gusto mong isama. May party kasi bukas sa bahay. Sana makapunta ka. By the way I have to go. Pakisabi na lang kay Az na pumunta ako." Umalis na si Samantha pagkaabot niya sa akin ng invitation card.
****
Nandito ako ngayon sa canteen kasama nina Frans at Jacqueline. Kumakain kami ng lunch. Iniabot ko na sa kanila ang mga invitation.
"Alam mo ang bait din niyang si Samantha noh. Isipin niyo hindi naman niya tayo kilala pero ininvite niya tayo sa birthday niya." sabi ni Frans.
"Oo nga eh." Pagsang-ayon naman ni Jacqueline.
"Nasan pala si Hanna?" tanong ko bilang pag-iba sa usapan.
"Nasa- Oh iyan na pala siya." Napatingin kami sa pintuan na itinuro sa amin ni Jacqueline. Nakita namin si Hanna na naglalakad palapit sa amin.
"Hanna!" Tawag namin. Dali-dali naman siyang lumapit at naupo sa tabi ko.
"Pupunta ba kayo sa birthday party ni Ms. Winzlet?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Paano mo siya nakilala at paano mo nalaman na birthday niya?" Taka kong tanong.
"Ah iyon ba. May invitation kasing ipinadala sa bahay. Actually, our family are business partners. Kaya naman imbitado kami. Ito oh." Pinakita niya sa amin ang invitation.
"Kami nga rin eh binigyan." Sabat ni Frans.
"So ano? Pupunta ba kayo?"
"Of course. Ang kaso itong si Aye eh mukhang ayaw yata. Ang KJ din eh." Sinimangutan ko si Frans."Hindi ako KJ noh. Hindi ko lang kasi alam kung bagay ako sa mga ganong okasyon. Unlike you guys, who came in a wealthy family."
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...