Ayesha Jane Mancera
Point Of View
Nandito ako sa kuwarto ko at nagbibihis. Matapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako at agad bumaba sa sala. Nadatnan ko roon si Azell na nakahilata sa sofa at nanunuod ng TV. Lumapit ako at hinarap siya.
"Bagay ba?" Nakasimangot siya sa akin. Uh-Oh! Mukhang mali yata ang sinuot ko.
"Bakit iyan?"
"Hindi ba bagay?"
"Masyado kang maganda d'yan. Malaking lalake roon. Isa pa masyadong maikse at exposed ang balikat at likod mo. At pati na rin iyong ano mo... ahm... never mind." Napatingin ako sa dibdib ko. Oh My! Iyon nga ang tinutukoy niya.
Isa kasing maroon na dress ang suot ko. Silk ito at isang dangkal ang haba mula sa tuhod ko.
"Palitan mo 'yan." So strict ni Lolo Az.
"Hahahaha!" Pagtawa ko.
"May nakakatawa ba?"
"Wala naman. Naalala ko lang sa'yo si Lolo ko. Wahaha."
"Enough." Pikon na siya.
"Sorry na po lolo Az." Pang-aalaska ko pa.
"Argh! Hindi pa ako matanda."
"Eh di baby sky na lang."
"Don't call me baby sky. Ano ka si Mommy?" Ang sarap niya asarin.
"Sorry na... baby ko." May ngiting sumilay sa labi niya. Sabi na nga ba eh. Alam kong kiliti niya.
"Hindi ko na puwedeng palitan ito. Si Mommy mo ang nagpasuot nito. Nakakahiya naman kung hindi ko susuotin." Napabuga siya ng hangin.
"Okay fine. Basta magsuot ka ng coat." Inabot niya sa akin ang black coat niya, na agad ko rin namang sinuot. Matapos iyon ay nagpunta na kami sa Bar ni Joshua.
***
Huminto ang kotse ni Az sa parking lot ng Bar. Akala ko lalabas na kami kaya sinimulan ko nang hubarin ang seatbelt ko. Nang akmang lalabas na ako, bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko. Dahilan para matigil ako at kunot noong mapatingin sa kanya.
"Why?"
"Listen to me first." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako ng derekta sa mga mata.
"Maingay at magulo sa loob kaya huwag mong bibitawan ang kamay ko. Hindi ka rin puwedeng uminom ng kahit na anong nakakalasing. Even wine. Juice puwede pa. You are not allowed to dance with other guy even talk to them. Are you understand?" Ang possesive ng lalakeng ito.
"Okay po."
"Good Girl."
Lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob. Nang makapasok kami ay mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Para ngang ayaw na niya akong bitiwan.
Totoo ngang maingay at magulo sa loob. Pero sabagay, ano nga bang aasahan mo sa bar. Eh ganito naman talaga dito. Ang lakas ng music. May DJ din akong nakita na abala sa pag-ooperate ng sound system. Mga wild ang mga taong sumasayaw sa dance floor. Halos lahat sila puro pamilyar sa akin dahil kaeskwela ko sila. Ang iba ay kaklase pa namin. Umakyat kami sa itaas kung saan ang VIP area. Nadatnan namin doon sina Joshua, Lin, Harold, Markuz, Arthur, at Trunks. Lahat sila player ng varsity team. Syempre maliban kay Lin.
"Yun! Oh. Mabuti't dumating kayo. Upo kayo." Aya ni Joshua.
Naupo kami ni Azell na magkatabi sa sofa. Si Arthur ang nagsasalin sa baso ng alak. Nakita ko pa si Lin na umiinom pero pakunti-konti lang. Hindi maipagkakaila ang kasweetan nila ni Joshua. Hindi ko inakala na sila ang magkakatuluyan. Pero sabi nga... "The more you hates, the more you love." Iba talaga maglaro ang tadhana.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...