Azell Sky Ezcadler
Point of View"Kuyaaa!" Naitakip ko sa mukha at tainga ko ang aking kumot nang marinig ko ang boses ng aking kapatid.
"Hmmm..." Tanging ungol lang ang naisagot ko. Nakahiga pa ako't antok na antok pa. Rememeber, I drink last night. So I still have hang-over. At puyat din ako. Gusto ko pang magpahinga.
"Kuya, hindi ka pa ba babangon d'yan? It's seven in the morning." Maarteng sabi ng kapatid ko at namay-awang pa sa harap ko. Ang kulit eh.
"Antok pa nga ako Sheneiah. Just let me sleep. Ang aga pa naman eh. Saka Summer na kaya."
"Ayaw mo ba talagang bumangon?" Kung magsalita siya para siyang si Mommy. Magkaroon ka ba naman ng ganitong kapatid.
"A-yo-ko." Sarkastiko kong sagot at muli akong nagtalukbong.
"Bahala ka d'yan. Isusumbong kita kay Ate Aye. I will tell her that you drink a lot last night. At hindi ka na makabangon dahil sa kalasingan. Sasabihin ko rin na inumaga ka na ng uwi kaya ka puyat. Panigurado lagot ka sa kanya."
Aba! At tinakot pa ako ng kapatid ko. Galing mangblock-mail. Lupet eh.
"Tsk, alam naman niya na uminom ako kasama sina Markuz. Kaya hindi siya magagalit."
"Kahit na pero hindi naman niya alam na mag-aala-una ka na ng madaling araw nakauwi. At ngayon hindi ka na makabangon sa higaan dahil sa kaiinom at pagpupuyat. So I'll tell it to Ate Ayesha. Lagot ka kuya. Isusumbong talaga kita." Lakas manakot.
"Wala naman dito si Aye eh di rin niya malalaman."
"Kainis ka! Isusumbong talaga kita." Narinig ko ang yabag ng mga paa niya palayo.
"Ate Aye! Si kuya oh!" Napairap na lang ako sa hangin.
"Nye nye." Parang bata kong sambit at umayos ako ng higa. Kung makatawag kay Aye wagas. Asa pa siya na makakapagsumbong siya.
Muli kong ipinikit ang mata ko upang muling makabalik sa pagkakatulog. Istorbo iyong kapatid ko eh. Malapit na akong hatakin ng antok nang may istorbo na naman na gumising sa akin.
"Hmm.." Hindi ako makaimik dahil sa kaantukan. Panay naman ang yugyog niya sa dibdib ko. Grabe ang kulit talaga nitong kapatid ko.
"Sheneiah ano ba? Inaantok pa nga ako." Hindi pa rin siya tumigil.
"Shen naman eh." Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Sa inis ko inalis ko na ang kumot na nakatakip sa mukha ko at agad akong naupo.
Dahil sa biglaang bangon ay nanlalabo pa ang paningin ko. Nang maging malinaw ang paningin ko ay nanlaki ang mata ko sa nakita kong nakaupo sa kama ko.
"A-Ayesha?" Hindi makapaniwala kong sambit. Nakangiti lang siya sa akin. I was about to hug her when she slapped me. Ang lakas nun. Naramdaman kong tila namanhid ang mukha ko. Ngayon sigurado na ako na hindi talaga ako nananaginip.
"Aray... bakit mo ako sinampal? Ganda ng pasalubong mo sa akin ah. Sampal talaga?" Reklamo ko.
"Sabi ni Sheneiah sampalin daw kita. Inaaway mo raw kasi siya."
Loko 'yong batang iyon ah. Kaya naman pala tinatawag niya si Aye kasi nandito na.
"Kailan ka pa dumating?"
"Kaninang alas-kuwatro ng madaling araw."
"Bakit hindi mo sinabi agad. Dapat nasundo kita sa airport."
"Alam ko kasing nag-inom ka. Isa pa kaya ko na naman ang sarili ko."
"Wow indepent na independent na ang Girlfriend ko."
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
أدب المراهقينInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...