Chapter 33: The Transformation

3.9K 89 0
                                    

[Ayesha]

Nagising ako ng masakit ang katawan. Dahan-dahan akong naupo sa kama habang iniinda ang sakit ng aking katawan. Hindi naman ako binugbog ni Master Ishi. Dahil hindi naman niya pwedeng gawin iyon.

Masasakit lang ang katawan ko dahil sa mga stretching na ginawa namin. Warm-up pa lang hirap na hirap na hirap na ako. Hindi raw kasi sanay ang katawan ko na palaging gumagalaw. Kaya naman madaling sumakit ang katawan ko.

Naninibago lang daw ako. Ganon daw talaga sa umpisa. Mga basic technique lang ang tinuro niya sa akin kahapon. Sa susunod pa magsisimula ang totoong training ko. Grabe noh? Hindi pa pala iyon ang talagang training pero ang sakit na ng katawan ko. Paano pa kaya kapag iyong totoo na?

Tiningnan ko ang oras sa digital clock It's already 7:20 in the morning. Biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko naman agad ang tumatawag na si Azell lang naman.

"Hello."

Antok kong bati sa kaniya habang kinukusot ko pa ang kaliwang mata ko.

[Did I wake you?]

"Ah hindi naman. Gising na naman talaga ako. Bakit ka nga pala napatawag?"

[I just want greet you Good Morning. At saka tinawagan din kita para sabihin na bumaba ka na dito. Now na. Bye.]

Ibinaba ko na ang cellphone at nagtungo na ako sa banyo para gawin ang daily routine ko sa umaga. Pagkatapos nun ay bumaba na ako.

***

"Bakit mo ako tinawag? May ipapagawa ka po ba sa akin, Young Master." tanong ko.

Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa sofa. Nandito kami sa sala at ang mga mga maids naman ay abala sa paglilinis.

"May pupuntahan tayo ngayon."

"At sana naman tayo pupunta?" Taka kong tanong.

"Ah basta huwag ng maraming tanong."

"Hindi ako pwede ngayon. Linggo ngayon kaya may trabaho ako sa opisina ng Mommy mo bilang P.A niya. Kaya huwag na lan-"

"Sige na, Aye. Sumama ka na kay Sky. Napag-usapan na namin ang tungkol dito." 

Pagputol ni Tita sa sinasabi ko. Nakatayo siya sa di kalayuan at may labit na food trey. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

"You heard it right?" Azell asked.

"Yup." I short replied.

"Sige na halina kayo at kakain na tayo. Tatawagin ko lang ang mister ko at saka ang kapatid mo."

Iniwan na kami ni Tita at nagtungo naman kami sa kusina ni Azell para kumain.

Magkakaharap na kami ngayon sa lamesa. Ako at si Azell ang magkatabi, si tita naman ni Sheneia. At sa pinakadulo naman ng lamesa nakaupo si Tito.

Masasarap ang luto ni tita. Hindi maipagkakaila ang kasweetan nilang mag-asawa dahil nagsusubuan pa silang kumakain.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na sila. Si Tito may trabaho sa office. Si Tita naman sa publishing, at si Sheneia may piano lesson naman.

"Sige na maligo ka na. At pagkabihis mo bumaba na ka agad. Dahil aalis na tayo. Hihintayin na lang kita sa sasakyan."

Dali-dali akong umakyat sa taas upang gawin ang inutos sa akin ni Azell. Pero ang tanong saan naman kaya kami pupunta?

***

"Great you are here." aniya nang magkaharap kami.

Nakasandal lang siya sa pintuan ng kotse niya at pinaglalaruan sa daliri niya ang susi ng sasakyan.
Binuksan niya ang pinto at pinaubaya ito sa akin.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon