Chapter 62: Boy Bestfriend

2.6K 56 1
                                    

Azell Sky Ezcadler
Point of View

"Go! Baby!" Para akong nabuhayan nang marinig ko ang boses ng babaeng mahal ko.

Napalingon naman sa kanya lahat ng kaklase namin pati na rin si Prof.

Nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwartong ito. Lahat sila ay nakatingin kay Aye na nakatayo at mukhang napahiya rin sa ginawa niya.

"Hehe. Sorry." Nakangibit niyang paghingi ng paumanhin at nagpeace-sign sa mga ito.

"OKAY!"

Agad silang napaayos ng upo dahil sa lakas ng boses ko. Idagdag mo pa ang malakas na paghampas ko sa lamesa.

Sa akin na ngayon sila nakatingin. Mababakas mo sa mukha nila ang takot at pagkagulat dahil sa ginawa ko.

"In the past system of education, teachers are very strict in terms of discipline. Teachers are allowed to punished their student if they did some mistake. And before, if you have to search for your assignment, you have to search it in books. While, in the current system of education, we have a K-12 Basic Education Program. And maybe, after 20 years the technology may become much advance than before. That may helps the students for their studies. And I guess, in that time, all student know how to use computers. At gagawa ng paraan ang Gobyerno para matulungan ang mga batang makapag-aral."

Ayesha Jane Mancera
Point of View

Nakakahiya man ang ginawa ko kanina pero ayos lang. At least, naman nasuportahan ko ang boyfriend ko.

Biglang hinampas ni Azell ang lamesa.

"DAHIL NANINIWALA PO AKO SA SINABI NG ATING PAMBANSANG BAYANI NA SI DR. JOSE RIZAL NA ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN! HOO!"

Nagsuweg pa siya pagkasabi niya nun. Nakakabinging palakpakan at cheer ang narinig ko. Napapalakpak na lang din ako at napailing-iling.

"THANK YOU!" Masiglang sabi ni Azell.

Anong nangyari sa kanya at parang ang hyper ata niya?

"Okay. Thank you, group one."

Kinuwit ko si Jacqueline na abala sa kapapalakpak.

"Anong nangyari kay Azell at ang hyper ata niya?" tanong ko kay Lin.

"Asus, tinatanong pa ba 'yan. Syempre chineer ng Girlfriend eh. Ikaw siguro ang charger ni Mr. President."

Nagsalubong ang kilay ko.

"At bakit naman?"

"Eh kasi di ba kanina, parang lowbat na siya, low-energy. Pero noong sumigaw ka ng GO! BABY! Naku sis, nafull charge si Kuya." Napaapir pa siya sa isa kamay niya.

"Hehe. Nakakahiya ba 'yong ginawa ko?"

"Ahm... hindi naman. Muntanga ka lang, bess."

"Aray naman." Daing niya dahil piningot ko ang tenga niya.

"Ikaw naman kasi, Sis. Agaw eksena ka. Lakas mo makacheer ng Go! Baby! With matching pagtayo pa ha." Napahalukipkip na lang ako.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon