[Ayesha]
July na ngayon. Napakabilis lang ng panahon. Mabilis na lumipas ang isang buwan. Kami ni Azell, ganon pa rin. Lagi ko siyang inaasar na bakla kaso hindi naman niya ako pinapansin. Naiinis ako kapag nakikita ko siya, nasisira ang araw ko. Siya ang kontrabida sa buhay ko. Lahat na lang inagaw niya sa akin.
Boyfriend ko, minnie mouse headband ko, pagiging class president, at pati na rin ang pagiging numero uno sa mga akademya at mga asignatura. Siya na ang numero uno at ako na ang pangalawa. Siya na nga. Siya na ang numero unong mang-aagaw.
Oras na ng pananghalian ngayon at sa katunayan nga ay wala kaming pasok ngayong hapon dahil may PTA meeting ang mga magulang at mga kaguruan. Wala rin tao sa aming klasrum dahil ang lahat ng aking mga kaklase ay nasa auditorium ng aming paaralan at abala sa pakikiisa sa inihandang munting programa. Ang ilan naman ay naggagala lang sa campus.
Ako? Heto at dahan-dahan naglalakad papasok sa aking klasrum. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon na magawa ang aking plano. Kailangang walang makakita sa akin sa gagawin ko. Naglakad ako palapit sa upuan ni Baklang Ahas este Azell.
Tumingin muna ako sa paligid ko upang makasigurong walang makakakita sa gagawin ko. Dahan-dahan kong binuksan ang zipper ng kanyang bag at nagsimula na akong maghalungkat.
Nakasisiguro akong mayroon siyang dalang mga gamit ng babae. Tulad na lang ng make-up, lipstick, eye liner, at foundation. Alam kong tinatago niya lang iyon sa kaloob-looban ng kaniyang bag. At iyon ang kailangan kong mahanap upang magawa ko na ang aking evil plan na matagal ko nang pinlano.
Wala akong nahanap na make-up o kahit na anong pang-ayos sa kaniyang bag. Pero may nakita ako na talagang gumulat sa akin. Isang bagay na ni minsan ay hindi ko inasahan na makikita ko sa loob ng kaniyang bag. Isang Barbie Doll.
Gulat ba kayo? Nagtataka? Pwes wala na kayong dapat ipagtaka kung ang naglalaro ng manika ang isang bakla. Akalain niyo iyon may pagkaisip bata rin pala ang baklang ahas na iyon.
"What do you think you're doing?" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Baklang Ahas. OMG! Nahuli niya ako na pinapakialamanan ang gamit niya. Hala! Patay! Lagot na. Pero hindi ako dapat kabahan. Relax ka lang Ayesha. Siya ang dapat na kabahan hindi ikaw.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako dahan-dahang pumihit paharap sa kaniya. Nasa likod ko naman ang kamay kong may hawak na manika. Hindi niya pwedeng malaman na nakita ko ang barbie doll na pinakatatago niya.
I faced him with full of confident. Hindi ako nagpasindak sa killer eye niya. Alam kong galit na siya at basi sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya, batid kong ano mang oras ay sasabunutan na niya ako. Yeah right, sasabunutan. Mukha namang hindi siya marunong manapak, manabunot lang.
"Wala ka ng paki doon." Pagtataray ko at saka ko siya inisnaban.
"Anong wala na akong paki? May pakialam ako dahil bag ko iyang pinakikialamanan mo. Alam mo pinagpapasensyahan lang kita sa lahat ng mga pinagagagawa mo. Pero huwag mong ubusin ang pasensya ko Ms. Mancera. Alam mo ba na ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong pinakikialaman ang gamit ko. And please stop calling me Gay. I'm not a--" I interupt him.
"Bakit? Dahil ba natatakot ka na mabuko ang mga sekreto mo. Kaya ayaw mo na pinakikialaman ang gamit mo. Natatakot ka na makita ng iba ang bagay na tinatago mo sa loob ng bag mo. Am I right, Mr. Ezcadler?" Sarkastika kong sabi.
"FYI Ms.Mancera, wala akong itinatago na kahit na ano. At walang katotohan lahat ng ibinibintang mo. Hin-di a-ko bak-la." Inutay-utay pa niya ang pagbigkas ng salitang hindi ako bakla. Grabe, sinungaling talaga. Buking na nga idinedeny pa.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...