Chapter 59: She's Mine!

3.2K 83 0
                                    

Jacqueline Delara
Point of View

"Sakay na kasi." Binuksan na ni Joshua ang pintuan.

Kahit ayoko wala akong magagawa. No choice na rin naman ako kundi ang sumabay sa lalakeng ito.

Naupo ako sa passenger seat. Pumasok na rin siya at naupo sa tabi ko. He start the engine.


"Bakit ang aga-aga nakasimangot ka?" Aba! At nagtanong pa. Wow naman.


Hiyang-hiya ako sa kanya. Ano siya inosente para hindi niya malaman na siya ang dahilan kung bakit badmood ako.


"Tanong mo sa sarili mo." Pagtataray ko. I crossed my arms and my eyes are focus on the road.


"Sungit naman nito. Kung iyong kagabi ang tinutukoy mo sorry na nga diba. Problemado lang ako kagabi kaya tinext kita. Gusto ko lang na may makausap."


"Ah kaya pala inasar-asar mo ako kagabi. At saka alam mo hindi ako naniniwala sa'yo. Ikaw mamumroblema? Tss, kalokohan. Eh ang sarap nga ng buhay mo eh. Puro pera, luho, bisyo, at babae. Alam kung napagtripan mo lang ako kagab--"

"Shut up!" Natigil ako dahil sa sinabi niya. Lalo pa nang hampasin niya ng malakas ang manibela.


Itinigil din niya ng kotse niya sa tabi ng daan. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinilabutan.


"Will you please shut up! And stop accusing me. You don't know me. So stop this fvcking conversation." Kinilabutan ako sa mga sinabi niya.


Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Para siyang nababalutan ng itim na aura.


"Wala kang alam sa'ken. Kaya pwede itikom mo na lang ang bibig mo." Seryoso niyang wika at ipinagpatuloy na lang ang pagmamaneho.


Kinse minutos na lang at matatapos na ang first period. Ganito na kami ka late. Nandito kami ngayon sa isa sa mga hagdanan dito sa ikatlong palapag ng BM Building.


Nakalupagi siya sa ika apat na bahagdan ng hagdan. Ako naman ay ito't pauli-uli at hindi mapakali. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako ng ganitong oras. Alam kong magagalit ang proffesor ko.

Late na late na kaya ako. Nakakahiya kaya iyong dadating ka sa klasrum nyo ng late tapos nasa may pintuan ka pa lang nakatingin na sayo ang lahat ng kaklase mo.

Para bang may nagawa lang malaking kasalanan. Buti na lang itong lalakeng ito at sanay ng late at magcutting.

Pero teka? Bakit nga pala siya nalate? Tinanghali rin ba sya? Ay, hindi naman siguro.


"Huwag na muna tayong pumasok." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon