Chapter 27: Kawawang Ayesha

4K 87 1
                                    

[Ayesha]

Pumasok na ulit ako sa school pagkatapos namin maggala ni Azell. Marami na kasi akong namissed na lessons. Kailangan kong bumawi.

Lalo pa't malapit na ang exam namin. Hindi ako maaaring bumagsak lalo na't scholar ako. Ang scholarship ko na lang ang natitira sa akin.

Sa eskwelahan,ganon pa rin. Mga pasaway na estudyante,mga makukulit at kwelang kaibigan,mga propesor, at mga taong nandiyan na palaging makikita sa loob ng unibersidad na aking pinapasukan.

Nandiyan ang mga kaibigan kong sina Jaqueline,Frans, at Hanna para pasayahin ako. Lalo na ngayong malungkot ako dahil apektado pa rin ako sa pagkawala ni lolo.

Tinutulungan ako nila na makahabol sa mga lessons. Tinutulungan nila akong mag-aral. Pero syempre dahil kasama namin ang dalawang baliw sa grupo na sina Frans at Jacqueline, puro tawanan na lang kami.

Wala talaga sa aral ang pag-iisip ng dalawang ito. Nasa wattpad story at kpop world ang mga isip nila. Mukhang naiwan pa sa bahay ang utak. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang tumawa.

Buti na lang at nandiyan si Hanna para tulungan ako sa pag-aaral ko. Matalino kasi si Hanna. Kahit magkaiba kami ng kurso, nakakabilib na kaya niyang ituro sa akin ang mga pinag-aaralan namin.

Pero kahit ganon sina Frans at Jacqueline masaya ako kapag kasama sila. Alam kong ginagawa lang nila iyon para mapasaya ako.

Nagpapasalamat ako na ibinigay sila sa akin ng Diyos. Maswerte ako na may mga kaibigan akong katulad nila.

***

"Ay!" Naibulalas ko nang may biglang humiklas sa braso ko at hinatak ako papasok sa likod ng pader.

Hawak ako ng humatak sa akin at nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Nasa likuran ko siya kaya hindi ko alam kung sino siya.

Suminghot ako at naamoy ko ang pamilyar na pabango sa akin. At alam ko kung kanino ang pabangong naaamoy ko.

"Hmmmm." Sinusubukan kong magsalita pero hindi ko kaya.

"Huwag kang sisigaw." Bulong niya sa tenga ko. Napangiti ako ng makompirmi kong si Azell nga ito.

Pinakawalan na niya ako at agad ko naman siyang hinarap. Nakasuot siya ng school uniform namin at oo inaamin ko ang gwapo niya.

Gwapo na, mabango pa. San ka pa?

"Az." wika ko nang yakapin niya ako. Ang higpit ng yakap niya. Sa higpit nito, nararamdaman ko na ang pagtibok ng puso niya.Para bang isang taon niya akong hindi nayakap at sabik na sabik siya.

"Az?"

"Please just let me do this." he said in a sweet tone. Hinayaan ko na lang din siya na yakapin ako. Wala namang makakakita sa amin.

Ginantihan ko na lang din ang yakap niya. We both feel each other heart beats and each others body temperature. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang gawin ito.

Marahil ay dahil komportable ako sa kaniya.Pasimple ko siyang inaamoy-amoy habang yakap-yakap namin ang isa't isa.

Ang bango-bango niya. Kung may makakakita lang baka mapagkamalan na akong adik at baka madala ako sa rehabilitation center.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap.Kumawala na kami at hinarap ang isa't isa.Bahagya akong nakatingala sa kaniya dahil mas matangkad siya. Mas gwapo siya sa malapitan.

"Sumama ka sa'kin." Naramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko. Hinatak niya ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.Kusang sumunod ang mga paa ko sa bawat hakbang niya.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon