Chapter 44: Huli ka

3.5K 76 0
                                    

[Ayesha]

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Alasais pa lang ng umaga. Lunes ngayon kaya kailangan kong gumising ng maaga dahil may pasok.

Naupo ako sa kama at nagstretching pa. Napatingin ako sa side table. Nakita ko sa tabi ng lampshade ang tatlong pirasong sariwang bulaklak ng puting rosas.

Napangiti ako sa nakita ko.  Inamoy ko agad ito. Ang babango nila. Ito na ba 'yon? Ang sweet niya.

May nakita akong letter sa side table kung saan ko nakita ang bulaklak ng puting rose. Nakasulat ito sa kulay pink na colored paper. Handwritten ang pagkakasulat.

Binasa ko ang nakasulat doon.

Dear My Princess,

    Good Morning. Sana'y naging masarap ang tulog mo. Kung nababasa mo 'to batid kong nakita mo na rin ang bulaklak na ibinigay ko. At tulad nga ng sinabi ko liligawan kita at ipaparamdam ko sa'yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Ipaparamdam ko sa'yo ang pagmamahal na deserved mo. Sabay na tayong pumasok. Hihintayin kita sa baba. Have a nice day!

          -From: Azell-

Napangiti ako sa nabasa ko sa sulat. Talagang isinulat pa niya. Pero ang sweet ha. Kinilig naman si lola niyo. Haha! Inayos ko muna sa vase na may tubig ang bulaklak at pagkatapos ay dumeretso na ako sa banyo para maligo.

Nakabihis na ako ng sailor blouse uniform namin nang bumaba ako. Nadatnan ko ang   ilang katulong na naglilinis sa sala.

"Good Morning po. Nasan po si Young Master?" Magalang kong tanong.

"Nasa kusina siya, anak." tugon ng mayor doma na anak na rin ang turing sa akin.

Nagtungo agad ako sa kusina. Nasa pintuan pa lang ako pero may naaamoy na akong mabango. Pumasok ako sa loob at nadatnan kong si Az lang ang tao doon.

Nakatalikod siya at nakaharap sa kaniyang niluluto.

Teka, niluluto?

Nagluluto si Azell? Obvious na nga tinatanong pa. Lumapit ako sa kaniya. Nakasuot na siya ng school uniform at halatang nakaligo na. Tapos may suot siyang apron.

Humarap siya sa akin at ngumiti. Hala! Iyong ngiti niya nakakahawa. Naramdaman ko na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kung ganito ba naman kagwapo ang makikita mo sa umaga.

"Good Morning, my princess." Ang taray! Prinsesa na ang tawag sa akin. Commoner lang ako noh.

"Az, nasan sila tita at tito? Saka si Shen. At saka bakit ikaw ang gumagawa niyan?"

"Wala sina Mom at Dad dito. Nagpunta sila ng Germany dahil sa business. Si Sheneiah naman maagang sinundo dito ng kaibigan niyang si Fiona. Gumising ako ng maaga para ipagluto ka ng breakfast."

Naramdaman ko kaagad na uminit ang magkabila kong pisnge. Gumising siya ng maaga para lang ipagluto ako. Ang sweet naman.

"S-Salamat, Az."

"Halika, kain na tayo." Pinaghatak niya ako ng silya at naupo na rin siya sa tabi ko.

Pinaglagay niya ako ng pagkain sa plato. Napangiti ako sa pag-aalagang ginagawa niya.

"Subuan kita?" Biglang uminit iyong pisnge ko sa tanong niya. It's sound so sexy.

"Huwag na. Kaya ko naman eh. Sige kumain ka na rin."
Nagsimula na kaming kumain. Cheesy omelete, bacon, at rice ang niluto niya. Ang sarap nung cheesy omelete na niluto niya.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon