Azell Sky Ezcadler
Point of ViewNandito na kami sa gymnasium ng university. Limang segundo na lang at magsisimula na ang laro. Palinga-linga ako sa paligid.
Hindi ko makita si Ayesha. Nagsimula na ang laro pero wala pa rin siya. Nadismaya tuloy ako. Si Jacqueline at Frans lang ang nakita ko.
Pareho silang may hawak na banner. Go Joshua! Iyon iyong nakalettering sa banner ni Lin. Buti pa si Joshua chinicheer ni Lin.
Napalingon ako kay Joshua. Abat! Nagpapacute pa ang loko. Nahuli ko siyang kinikindatan si Lin.
"Umayos ka nga." Saway ko.
Tumawa lang naman siya at nagpokus na sa binabantayan niya.
Si Frans naman may banner din. Go Go Go Kevin!! naman iyong nasa banner niya.
Nasa akin ngayon ang bola at binabantayan ako nitong si Kevin. Kanina pa siya ngiti ng ngiti. Naiinis na ako ha.
"Bakit wala si Jane?"
"Wala ka ng paki."
"Ahm... hulaan ko. Baka alam niyang matatalo naman ang team niyo kaya hindi na siya nanood. Haist, kaawa ka naman. Alam ba noong highschool, palagi akong chinicheer ni Jane. Sumali pa nga siya sa cheerdance ng school eh. Tapos ikaw na boyfriend niya hindi man lang niya maicheer. Nakakatawa ka pare."
I just gave him a smirk.
"Kung natatawa ka, eh di simulan mo nang tumawa. Dahil baka hindi mo na 'yan magawa mamaya."
Sumama ang tingin niya. Sige lang maasar ka. Gusto ko 'yan.
"Tingnan natin kung kaya mo ako."
Mas humigpit iyong pagbabantay niya. Pero hindi pa rin ako nagpatalo sa kanya.
Inaamin ko, wala akong ganang maglaro ngayon. Wala naman si Ayesha. Wala iyong babaeng inspirasyon ko. Wala iyong lucky charm ko.
Third quarter na at lamang pa rin ang kalaban. 96/92 ang score. Hinihingal na rin ako. Ganon din ang mga kasama ko. Kung magpapatuloy ito pwede kaming matalo.
Hindi ako papayag na matalo ng lalakeng ito. Nasan na ba ang babaeng 'yon? Where's my lucky charm?
"Kapag natalo ka hindi kita papansinin!"
Nagpalinga-linga ako sa paligid nang marinig ko ang boses niya. Hindi lang ako ang nakarinig nun. Kundi ang lahat ng tao na nandirito.
Napabaling ang tingin ko sa dereksyon nina Lin at Frans nakita ko roon si Ayesha. Ngumiti lang siya at saka iniharap sa akin ang banner na ginawa niya.
Napangiti ako nang mabasa ko ang nakasulat sa banner...
Go! Mickey ng buhay ko!
I love you SweetbabyTapos may nakadrowing pang mickey mouse at minnie mouse. Kumaway pa siya sa akin habang nakangiti.
Para akong nabuhayan nang icheer niya ako. Syempre nandito na iyong lucky charm ko.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...