[Ayesha]
"O-M-G!" Agad akong napabalikwas nang bangon nang marinig ko ang boses ni Tita.
Hala! Patay. Nakita niya kaming magkatabing natutulog sa kama ng anak niya. Nakatakip pa sa bibig niya ang kamay niya. Halatang nagulat siya. Ikaw ba naman ang hindi magulat. Naupo agad ako sa kama ganon din si Azell na mukhang nagising ko yata dahil sa kalikutan ko.
"T-Tita." Utal-utal kong bigkas.
"Anong ginawa niyo kagabi? Bakit magkatabi kayo?" Mukhang nagpapanic na si Tita. Hala lagot. Kasalanan mo 'to Aye.
"Halika rito, Aye." Hinatak ako ni Auntie pababa sa kama. Kaya naman nasa tabi na niya ako.
"Sabihin mo sa'kin. Anong ginawa sa'yo ng anak ko?"
Mukhang iniisip ni Tita na sa amin ni Azell ako pa ang biktima. Sorry, Azell.
"Wala po siyang ginawa sa'ken." Pagsasabi ko ng totoo.
"Huwag kang matakot hija. Sabihin mo sa'ken kung may ginawang hindi maganda sa'yo ang anak ko."
"Eh wala naman po talag--"
"Ikaw na bata ka! Anong kalokohang ang ginawa mo?"
"Aray! Ano ba!" Daing ni Azell dahil kinukurot siya ni Tita.
"Mom, tama na. Aray!"
"Tita tama na po. Mali po ang iniisip niyo. Nandito lang naman po ako kasi..."
"Kasi ano?"
Kahit nahihiya ako ay ipinaliwanag ko pa rin kay Tita ang nangyari kagabi. Mabuti na lang talaga at naintindihan niya.
"Ah iyon naman pala." Naihampas pa ni Tita sa kama ang kamay niya. Mukhang napagtanto niyang nagiging O.A na siya.
Nakaupo siya ngayon sa kama kasama si Azell. Ako naman ay nakatayo lang at pinanunood sila.
"Sorry baby sky ko. Nakurot pa tuloy kita." Ayan binibaby na siya.
"Mom. Ano ba. Nakakahiya." Niyakap kasi siya ng mommy niya at pinupog ng halik. Hahaha. Ang cute ni Azell. Baby Sky. Ang cute.
"Ito naman oh. Sige na bumaba na kayo dyan at nang makakain na kayo." Lumabas na si Tita at naiwan kami.
"Pfft." Pinipigilan ko pa rin talaga ang pagtawa ko.
"Bakit ka natatawa?" Hala naiinis na siya.
Umiling-iling lang ako at dali-daling lumabas sa kwarto niya. Dumeretso ako sa kwarto ko at naligo. Nagbihis lang ako ng puting short at sando na kulay itim. Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng aking kwarto.
Pero pagbukas ko ng pinto ay si Azell agad ang unang bumungad sa akin. Nakablueshirt siya at halata mo sa kaniyang katatapos niya lang din maligo. Ang bango niya.
Ang seryoso ng mukha niya. Kung tingnan niya ako para bang may nagawa akong mali. Oo nga pala. Pinagtawanan ko siya kanina. Hala! Lagot.
"Alam mo ba na ang ayaw ko sa lahat ay iyong pinagtatawanan ako." Walang emosyon niyang sabi.
Napaatras ako hanggang sa napasandal na lang ako sa nakasarang pinto ng aking kwarto. Itinuon niya ang dalawang kamay niya sa pintuan. Natrapped na si lola nyo.
"Sorry." Nagpeace-sign na ako pero wa-effect. Napalunok ako ng sariling laway nang unti-unti na niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko nang bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Ezcadler Devisee
Teen FictionInakusahan ni Ayesha Jane Mancera ang transfer student na si Azell Sky Ezcadler na bakla at umahas daw sa boyfriend niyang si Markuz Hernandez. Labis siyang nasaktan sa naging break up nila kaya ibinubuntong niya ang sisi rito. Ngunit lingid sa kani...