Chapter 56: Yes

3.7K 64 0
                                    

Ayesha Jane Mancera
*Point of View*

Napabalikwas ako sa aking higaan nang maramdaman ko ang mainit na tumama sa mukha ko. May ngiti sa labi kong iminulat ang aking mga mata. Sa pagmulat ko'y muli kong nasilayan ang liwanag.  Nasilo pa ako sa sikat ng araw na tumatama sa nakabukas na bintana nitong malapangprinsesa kong kwarto.

Naupo ako sa aking kama at nag-unat-unat. Hindi pa rin nawawala ang ngiting tila nakapinta na sa aking mukha. Masaya lang talaga ako ngayon. Ang ganda kasi ng tulog ko. Syempre maayos na lahat. What I mean is, malaya na kami ni Azell. Higit sa lahat nahanap ko na ang childhood sweet heart ko na si RC Boy. At iyon si Azell.

Ang lalakeng naging mortal ko munang kaaway. Ang lalakeng pinakangkinaiinisan ko noon. Na ngayon ay minamahal na ako ng sobra. Siya iyong lalakeng ipinaramdam sa akin ang pagmamahal na deserved ng isang katulad ko. Iyong lalake na ipinaramdam kung gaano ako kahalaga. I'm lucky because I found him.

Napagawi ang aking tingin sa sidetable nitong aking kama. Nakita ko roon ang tatlong piraso ng pulang rosas na halatang kapipitas lang. Hinawakan ko iyon at inamoy. Napangiti ako sa bango nito. May kalakip na sulat ang bulaklak. What I mean is LOVE LETTER. Inalis ko sa pagkakatupi ang papel at binasa ang nakasulat.

Dear My Princess,

     Good Morning. Thank you for making my life complete. Bumaba ka na. May pupuntahan tayo. I love you.
   
             From: Azell

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko. He always making my heart beat fast and loud. Ang lakas ng epekto niya sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kilig na aking nararamdaman. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. At syempre kiligin. Dumeretso na ako sa banyo para gawin ang morning routines ko.

Agad kong tinungo ang kusina at nadatnan ko roon si Azell na naghahain ng pagkain. May suot pa siyang apron. At take note ha. Mickey Mouse iyong apron niya. Natuwa naman si ako. Favorite ko kaya si Mickey Mouse.

"Azell." Pagtawag ko at agad akong lumapit.

"Good Morning, Princess. Upo ka." Pinaghatak niya ako ng silya at agad naman akong naupo.

"Ang daming pagkain ah. Ikaw ba ang nagluto?"

"Oo ako nga. Nagustuhan mo ba?" Nakangiti akong tumango-tango.

"Teka, nasan pala sina Tita?" Nagpalinga-linga ako sa paligid.

Oras na para sa umagahan. Maganda kung sabay-sabay na kaming kakain. Masasarap pa naman iyong niluto ni Azell.

"Wala sila. Maagang umalis si Mommy at Daddy dahil sa business trip nila sa Bagiuo."

"Eh si Sheneiah?"

"Nasa labas nagbabike."

Nangunot ang noo ko nang bahagya siyang naupo sahig sa may gilid ko at hinawakan ang mga kamay ko. Nakatingala siya sa akin at nakatingin ng derekta sa mata ko.

"Oh ano yan? Bakit?"

"Ayesha. Pwede ba tayong magdate?" Napangiti ako sa tanong niya. Ayesha huwag kang pahalatang kinikilig ka. Date lang yan.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon