Chapter 60: Sweetbaby

3.4K 69 2
                                    

A/N: Una sa lahat gusto ko pong idedicate ang chapter na ito kay @Babybabe61. Thanks bhe sa pagbasa sa story. Salamat sa pagpaparamdam mo sa kwento. Mahirap kasi magsulat ng mag-isa. Iyong tipong parang walang bumabasa. Salamat sa suporta. I hope you like this chapter. Hihi. (^__~)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayesha Jane Mancera
Point of View

"She's Mine! So back off jerk!"

Nag-aapoy na iyong mata ni Azell sa galit. Hinaplos ko ang braso niya para pakalmahin siya.

Hindi ko naman siya masisisi eh. Ikaw ba namang makita ang Girlfriend mo na  kayakap ang ex nito. Eh kahit naman ako magagalit din.

"Kayo na pala." Di makapaniwalang sambit ni Markuz.

"Yup. Kaya dumistansya ka sa Girlfriend ko." Maawtoridad na wika ni Azell at tinitigan niya ng masama ito.

Pag-untugin ko na kaya ang mga ito.

"'Key fine. You have nothing to worry. Wala akong planong agawin siya sa'yo. Marami pa namang babae dyan na nagkakandarapa sa kagwapuhan ko. Hahaha."

Nakitawa na rin si Harold. Mga baliw.

"Sige na. Mauuna na kami. Congrats na lang sa inyong dalawa. May practice mamaya. Punta ka ha." sabi ni Markuz habang naglalakad palayo.

"At saan kayo pupunta?" tanong ni Az.

"Maghahanap ng chikababe."-Markuz

"Ayoko ng pinaghihintay ang mga babae. Haha." -Harold

Napabuga na lang ako ng hangin. Na naging dahilan para umangat ang bangs ko. Boys is boys nga naman talaga.

"Kumain na tayo." Untag sa akin ni Azell na kasalukuyang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

Wala akong spaghetting nakita. Palabok lang.

"Wala ng spaghetti kaya iyan na lang muna." Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.

"Sayang naman."

Bumalik na rin sa kanya-kanya nilang ginagawa ang mga estudyante. Tapos na ang palabas eh. Mga tsismosa rin noh!

"Galit ka ba?" Napansin ko kasi na tahimik siya at ang seryoso ng mukha.

Natatakot ako kapag ganyan siya. Kumagat muna siya sa burger niya at nang masiguro niyang wala nang laman ang bibig niya ay nagsalita na siya.

"Nope." Walang gana niyang sagot.

"Selos ka?" Medyo may pang-aasar kong tanong.

Kita ko sa reaksyon ng mukha niya na totoo ang sinabi ko. Selos nga siya.

"Oy! Selos ka noh." Pang-aasar ko.

"Tch, oo na. May payakap-yakap pa kasi eh."

"Sorry na."

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon