Chapter 88: Walang Forever

2.9K 51 3
                                    


Christine Hyrene Hernandez
Point Of View


I opened the shower and let the cold water flow on my naked body. I remembered all what happened last night. That was the most hottiest night in my life. I can still feel his warm touched, his kiss, his bit, and his warm body. Matapos maligo ay agad na akong nagbihis ay dumeretso sa kusina para magluto ng umagahan. Linggo naman at walang pasok.

Habang nagluluto ako ng bacon bigla na lang akong nakaramdam ng mga brasong pumulupot sa bewang ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Natigil din ako sa pagbabaliktad ng bacon sa kawali. Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa kaliwang balikat ko. Bukod pa roo'y naramdaman ko rin na mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Damang-dama ko ang init ng katawan niyang nakadikit sa katawan ko. Maging ang pagtibok ng puso niya ay nararamdaman ko na rin. Nakakaramdam ako ng kiliti sa tuwing tatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Napangiti ako dahil sa saya na nararamdaman ko. Ang akala ko ngayong umaga ay aalis siya at basta na lang akong iiwan. Iiwan na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin kagabi. Pero heto siya't yakap-yakap ako.

Pinatay ko ang kalan at dahan-dahang pumihit paharap sa kanya. Nailayo ko ang mukha ko sa mukha niya nang muntik nang maglapat ang mga labi namin dahil sa pagharap ko. Nanatiling nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Naiilang ako sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari kagabi. Tila ba nilamon ako ng aking sistema dahil sa mga ginawa niya sa akin kagabi. Nakakahiya mang aminin pero nawala ako sa aking sarili.

Kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap. Nabigla pa ako sa ginawa niya.

"Thank you. Salamat sa kagabi. That was the most memorable night in my life." Nakaramdam ako ng saya dahil sa mga sinabi niya.

Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon. May ngiti sa labi ko siyang niyakap pabalik. Masaya na ako na nasa tabi ko pa rin siya magpahanggang ngayon. Nang kumawala kami sa yakap namin ay pinagtulungan naming ihain sa lamesa ang mga niluto ko. Sinangag, omelette, bacon, at tocino. I feel the feeling of being housewife. Naupo siya sa pinakadulo ng lamesa at ako naman naupo malapit sa kanya.

Natigil ako sa paglalagay ng kanin at ulam sa kutsara gamit ang tinidor nang biglang may kutsarang may lamang pagkain na tumapat sa may bibig ko. Napatingin ako sa may hawak nun. I saw Markuz with a smile on his face. Kunot noo ko siyang tinignan. Sinusubuan ba niya ako?

"Aren't you going to open your mouth, babe?" I'm shocked because of what he said. He called me babe.

Napansin kong parang nangangalay na siya kaya sinubo ko na lang din ang pagkaing isinusubo niya. Bahagya akong nakayuko habang nginunguya ang pagkain. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Babe? Bakit ano mo ba ako?"

"Asawa ko." Mabilis niyang sagot. Ang sarap pakinggan.

"Asawa nga ba?" Mahina kong turan. Sana totoo lahat ng pinapakita niya. He's a playboy. Alam kong madali lang para sa kanya ang magpakilig ng babae.

"You know what, I thought before that you have an ugly body. But I didn't expect that you had a beautiful feature that can attract men. But I realized last night, that you are much beautiful and hot when you are naked." Nabulunan ako nang kinakain ko dahil sa mga sinabi niya.

Dali-dali naman siyang nagsalin ng tubig sa baso at iniabot sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makainom ako. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.


"Do you really need to say that?" Inis kong tanong. Sensitibo ang mga bagay na iyon at hindi dapat pinag-uusapan lalo na kapag nasa hapag-kainan.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon