Chapter 21: Third Day

3.7K 96 3
                                    

CHAPTER 21: THIRD DAY

[Ayesha]

Today is Thursday. Ikatlong araw na namin dito sa probinsya ng Mindoro. Ang lahat ng tao ngayon ay abala para sa paghahanda para sa kaarawan ni Lara. Ang akala ko noon ay magiging malungkot ang ikawalong kaarawan niya dahil nga sa mahirap lang sila at mukhang hindi makakapaghanda.

Pero laking gulat ko ng paggising ko ay abala na ang lahat ng tao sa paghahanda. May nagkakayas ng kawayan para pangdekorasyon, may nagkakatay ng baboy, may nagluluto, at kung ano-ano pang paghahanda ang kanilang ginagawa.

Tulong tulong ang kanilang baranggay. Ang sabi ni Kapitan Tano ganito raw talaga sa kanila. Kapag may okasyon lahat ay tulong-tulong sa paghahanda. Kahit sa unos at kalamidad sila'y sama-sama at nagbabayanihan.

Nakakatuwa talagang tumira sa ganitong lugar. Ang lahat ay magkakaibigan. Alas-nyebe na ng umaga ngayon. At abala ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan ni Lara.

Syempre tumutulong din kami ni Azell. Magkaibigan na nga kami eh. Kahapon ko lang narealized na gwapo nga pala iyon. Tumutulong ako sa pagluluto at si Azell naman ay sumama kila Kapitan Tano at Mang Goryo na lolo ni Lara na bumili ng ilang materyales na gagamitin sa selebrasyon.

Kukuha kasi sila ng mga speaker at disco light daw kasi may sayawan daw sa gabi. Ang basketball court ng centro ng baranggay ang kanilang gagamitin na venue. Iba talaga kapag sama-sama at may pagkakaisa. Kahit anong imposible nagiging posible.

Nakapagluto na ako ng ilang putahe. Nagluto ako ng spaghetti, menudo, at ang paborito kong hamonado. Katuwang ko naman sina Aleng Minda at Aleng Carmen. Niluto ko lang iyong mga alam ko. Marami silang naiturong mga bagong luto sa akin.

Naglakad-lakad muna ako at pinanood ang mga taong abala sa pagdedecorate. Naabutan ko doon si Lolo Nestor na nakatungtong sa upuan at nagakakabit ng banderitas.

"Lolo, ako na po." Pagboboluntaryo ko.

"Sigurado ka?"

"Opo. Ako na po ang gagawa n'yan. Baka po mahulog pa kayo." Bumaba na si Lolo Nestor sa upuan at iniabot niya sa akin ang mga banderitas na ikakabit.

"Sigurado ka bang kaya mo?" Paninigurado ng matanda.

"Opo. Saka mukhang masayang magkabit nito." wika ko.

"Sige, basta't mag-iingat ka lang. Doon muna ako sa loob ng bahay dahil medyo inaatake na ako ng rayuma ko." Paalam ni lolo at naglakad na palayo.

Tumungtong ako sa upuan at nagsimula nang magkabit ng banderitas. Naeenjoy ko naman ang ginagawa ko. Sa ibaba ko ay nandoon ang ilang mga babaeng kaedaran ko na abala sa pagdedesenyo ng lamesa. Mga magkakaklase sila at HRM ang kurso nila kaya may alam sila sa pagdedecorate.

BSBA naman ang course ko. Anong connect? Medyo maingay sa lugar dahil nga sa maraming tao na abala sa paghahanda. May mga bata ring nagtatakbuhan.

"Baka mangadapa kayo." Saway ko sa mga batang naghahabulan sa may gilid ng upuang tinutuntungan ko . Mukhang naglalaro sila ng taya-tayaan. Medyo mataas ang silyang tinutungtungan ko dahil idenesenyo talaga iyon bilang tungtungan.

"Ahh!" Naibulalas ko ng may batang bumangga sa silyang tinutungtungan ko. Agad akong nawalan ng balanse at nahulog. Napapikit ako ng mariin dahil sa takot.

Ilang saglit ang lumipas at nagtaka ako ng hindi ko naramdaman ang matigas sa likod ko. Dapat mararamdaman ko ang batuhang sahig sa pagbagsak ko. Subalit, wala akong naramdaman. Bagkus ay  naramdaman ko ang mga kamay na nakaalalay sa katawan ko.

Kahit nakapikit ako ay alam kong may sumalo sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang sumalo sa akin. Si Azell Sky Ezcadler lang naman.

Ezcadler DeviseeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon